chapt-8 pano to?

14 1 2
                                    

"ayos naba kayo? Halina't tayo'y umalis na"

Agad naman kaming sumunod kay stell ay silvestre, bakit ba dipa ako nasasanay? Hayss nvm.

Umalis na kami at pumunta na sa pagkikitaan namin nila bonifacio.

Pagkapunta namin ay dipa kami kumpleto kaya naman nag intay pa kami.

'Nasaan kaya si bonifacio dito?'

"Supremo! Pasensya na ngayon lang kami nakarating"

Pagkasabi nung lalaki ay agad akong tumingin sa tinawag niyang supremo.

O to the m to the g! Is this bonifacio? Yung bayani? Yung unang pangulo? Yung nag tatag ng kkk? Yung tinatawag nilang supremo! Siya yun!?

Nakatitig lang ako sakaniya nang sikuhin ako ng mahina ni pablo upang malingon ako sakaniya.

"Alam ko namang maginoo at matipuno ang supremo ngunit may asawa nayan jose"
Bulong niya sakin at sabay tawa ng mahina.

Ayy diba pwedeng namangha lang dahil nakita ko ang isa sa mga bayani ng pilipinas? At tiyaka no noh! Ang yong kaibigan na si agustin lang ang aking nais.

Nang makita kita na kami ay naglakbay na kami papuntang kangkong. Kapagod nga e, ang layo nun noh.

Gabi na at nandito kami sa bakuran ni... Diko alam. May kausap rin si bonifacio na lalaki, baka ayun yung may ari.

Tatanungin ko sana si silvestre pero ang layo niya kaya dito nalang kay crush este sa katabi ko si agustin.

"Agustin"

Lumingon naman sakin si agustin at hinihintay ang aking sasabihin.

"Sino yung kausap ni bonifacio?"

Pagkasabi ko nun ay tiningnan ko si agustin para sana hintayin ang kanyang sasagutin pero biglang nagbago ang mukha niya. Nakakunot ang nuo at parang jina-judge buong pagkatao ko.

"Bakit?"

"Bonifacio?, supremo jose. Supremo. Hay nako mga kabataan nga naman dina marunong gumalang, ayy ikaw lang pala"
At umirap.

Pasensya naman kung bonifacio lang sinabi ko hindi supremo pero bakit naman may pa roll eyes? Aba! Di niya alam ang josh ang kinakalaban niya. Joke lang crush kaya ketah kaya okay lang kahit ilang beses ka mag roll eyes mwehehehe.

"So, sino nga?, agustin"

"Yan si apolonio samson o tininteng polonio kagaya rin natin siya, pero siya ay isa sa mga unang katipunan na sa tawag ni supremo ay tumugong agad ng walang ano mang pasubali, at itong bakuran na ating pagtutulugan ay sakaniya rin"

Apolonio samson? Lugar yon sa quezon city ah. Pinangalanan pala sakaniya yun galing ah.

Di pala ako nagkakamali, sakaniya talaga tong bakuran na aming pagtutulugan.

----

Tulog na yung mga kasamahan ko pero ako dipa. Di ako makatulog. Di ako sanay dito. Sakit na ng likod ko!.

Haysss... Miss you my pc.

End

Hi! Thank you for reading!.

🌽🍢

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pintor¹⁸⁹⁶Where stories live. Discover now