CHAPTER 6

17 2 0
                                    


ROUGH

         Kakagaling lang ni Rough sa Cemetery para bisitahin ang mag-ina niya. Mga halos kalahating oras siyang nag-stay doon na nakatitig lang sa pangalan ng mga ito. Blangko ang pag-iisip, tulala, at wala man lang kahit ni isang salitang lumabas sa bibig niya. Nakatitig, at nakatayo lang siya na parang estatwa lang ang ginawa niya roon. Sa halos kalahating-oras na nakatayo ay napagdesisyon niyang pumunta sa isang agency na kung saan makukuha niya ang impormasyon. Dahil hindi pa rin siya natatahimik nang makita niya ang dalaga sa airport. Bumagabag pa rin sa kanya hanggang ngayon. Hindi talaga siya nagkakamali kitang-kita niya sa dalawang mga mata na si Olivine ang babaeng nasa airport.

   Pagkatapak pa lang niya sa gusaling Elite, may nakita siyang isang lalaking nakatalikod sa kinaroroonan niya na abala ito sa pakikipag-usap sa  kabilang linya. Lalagpasan na sana niya ito para tumungo sa isang  silid, nang marinig niya ang pangalan ni Olivine. Naka-loud speaker kasi iyon kaya rinig niya ang boses. Ang pamilyar na boses, iisa lang ang boses ang doon sa venue sa charity ni Katrina at dito. Hindi talaga siya magkakamali dahil kaboses talaga ni Olivine.

     Napamura na lang si Rough nang bigla na lang nawala ang nasa kabilang linya kaya nanggagalaiting kiniwelyuhan ang kaharap.

   "Where is the fucking whore? So all this time, tinago mo siya sa akin! Ang akala kong patay… buhay pala.  Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo titigil sa kalandian ninyong dala–”

   Napatigil siya sa pagsasalita, at napahawak sa kaliwang panga niya ng  tumama ang kamao nito. Napadura siya, at napangisi. Bumangon siya mula sa pagkakabagsak, at masama niyang tiningnan ang lalaki.

    Pagak na natawa si Cole Gregory sa kanya. "Bakit mo pa kailangan  malaman kung saan siya?  Kung  ang taong iyon gusto mo ng mamatay? "

"Where is she? I'd like to know where she is right now!"

"Bakit ko naman sasabihin sa’yo? Para saktan mo siya? Bakit ka ba narito sa opisina ko? "

   Napakuyom ang kamao niya, at handa na sanang makipagsuntukan sa kaharap nang bigla na lang may humawak sa balikat niya.

   "Hindi ma-reresolba  ang problema kung daanin lang sa makipagsuntukan."

    Marahas na lumingon siya sa taong kararating lang. Ang kaibigan niyang si Trail ang dumating.

 "What the f-ck are you doing here? "

Hindi siya nito pinansin bagkus ay humarap sa lalaki na ang sarap burahin ang ngisi nito.

"I'm Trail Gustavos, and I'm the client who phoned you a week ago." 

 "Mr. Gustavos, can we talk in my office? Ayokong may mga hayop na sumasali sa pag-uusapan natin." Pasimpleng tumingin si Cole sa kanya at umigting pa ang panga nito.

   Tumango naman ang kaibigan, at tumingin sa kanya na makahalugan.

"Simply wait in your car. I have a gift for you."

He hissed and walked out the door. Habang naglalakad siya papunta sa kanyang sasakyan ay may gumugulo sa isipan niya. Maraming katanungan na gusto  na niyang malaman kung bakit, at paano.

    Hanggang sa nakarating na siya sa parking lot ay bumabagabag pa rin sa kanya ang kaninang narinig. Boses iyon ni Olivine. Hindi siya makapaniwala na after six f-cking years ay buhay pala ang dalaga. Bakit hindi man lang nagpakita sa kanya? Bakit wala man lang kahit na ho o ni ha man lang? Napatiimbagang siya, at napasuntok sa bubong ng sasakyan niya. What the f-ck is his current situation? Ngayon pa talaga? Ngayon pa na tahimik na ang buhay nya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROUGH DROBELE (THE PRIVATE INVESTIGATOR)Where stories live. Discover now