Chapter 7

7.3K 115 15
                                    

POV: Kr

“Walang klase!!! Walang klase!!!”  sigaw nung mga kaklase kong bano. Ang saya nila ha? =___= Wala daw kasing klase. Syete, nakapasok pa! Wala palang klase.

“Pero may praktis tayo ngayong hapon hanggang bukas, kelangan daw kasing magkaroon tayo ng production number sa isang araw…” si Kuya Zinc yan.

“Ha? Ano bang meron sa isang araw??? O_o Intrams na ba???” tanong nung isa kong kaklase. Oo nga naman.

“May Big Welcome Event daw kasi na magaganap sa isang araw…” –Kuya Zinc

“Huh? Sino naman daw iwewelcome???” –mga kaklase ko

“Yun lang ang di ko alam, di naman sinabi e, geh, isip na tayo ng production number, sasayaw? Kakanta? Ano? Suggest kayo” –Kuya Zinc

“Lahat ba kelangang sumali?” tanong nung isa ko pang kaklase, ayyyyt, si Diana pala. =_____=

“Oo, kelangan since required.” –si Kuya Zinc

Okay, sila na ang nagkakaintindihan, bahala kayo. Magsasoundtrip na lang ako dito sa may sulok.

Now Playing: Poppin’ Champagne by All Time Low

Yea ROCK! \m/

Hindi ko na sila pakinig, ang lakas na kasi ng earphones ko. HAHAHAHA *kriiippy laugh*

♫♪ Give up and let go, I’m just boy with a dream… And you can take one look as I’m falling between ♫♪

POV: Lyca Estrella

Grinoup kami ni Zinc into three para daw 3 production number yung magawa namin since Class A daw kami.

Yun daw yung sabi ni Dad kanina, daddy ko kasi President ng school. :)

“Isulat niyo dito sa bond paper yung mga kakanta, dito sa yellow paper yung mga sasayaw at dito naman sa intermediate paper yung mix and gagawin.” Si Zinc yan

Kinuha ko yung Intermediate Paper, sinulat ko yung pangalan ko…

“Leila Yesha Charmaine Ares A. Estrella”

“Grabe, Lyca, haba pala ng pangalan mo? O_O”  nagulat na lang ako, may nagsalita sa likod ko, si Diana pala…

“Ah, Oo e, si Dad at Mom kasi nagpangalan sakin, teka, san ka nga pala sasali? :)”

“Hmm, di ko nga alam e, wala naman kasi akong talent sa mga ganiyan” tapos tiningnan niya yung hawak kong intermediate.

“Gusto mo dito ka na din? Para magkasama tayo! :)” yaya ko sa kanya, new friends kasi kami, para masaya lang.

“Hmm, ok! :D” saka siya pumirma dun sa papel.

“Kyaaaaaaaaaaaa!!! Ang daya naman e!!! Bakit dito ako? =____=” bigla na lang may umimik dun sa may pinto

“Zinc, since labis ang bilang ng mga students sa Section B at kulang kayo ng isa, sa inyo na si Niobium ha” saka umalis yung president ng Class B na naghatid kay Niobe.

“Hay naku! Pero ok lang, nandito naman si Lyca…” saka siya lumapit samin.

“Bet ka nandito?” napatanong naman ako

“Bakit? Ayaw mo? =______=”

“Hindi ah! Hehe, nagtataka lang naman” nakatingin lang samin si Diana

“Eh kasi nga kumpleto na yung gagawin sa section namin, ayun, ipinatapon ako dito. =.=”

“Ahhh, eh di dito ka na lang din! Sulat mo name mo dito oh” saka ko inabot sa kanya yung intermediate.

My Krypton Knight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon