Chapter 9

6.6K 100 17
                                    

Chapter 9

POV: Diana Maureen Navarro

"Girls! Ingat pag-uwi" saka pumasok ng gate nila si Lyca, natapos na yung praktis namin, maganda naman yung kinalabasan, salamat talaga sa kapatid ni Lyca, si Lyco.

Gayunpaman, walang Kr na dumating. Tinadtad na namin ng text, hindi nagrereply so bahala siya. It's his choice and loss not ours.

"Girl, sino ba kasing susundo sa'yo?" katabi ko si Niobe, sabi ko sabay kami since may susundo naman sakin

"Bestfriend ko, si Tristan" I told her.

"Alin? Yung isa pang exchange student??? Close kayo??? Ayeee! I smell "something"!" agad ng galaw sakin ni Niobe. Bestfriend nga diba? Malamang close! Adik talaga 'to.

"Sira, walang "something", friends lang kami, para ko ng kapatid yun, atsaka may pinopormahan yun noh.." sabi ko sa kanya, baliw din 'to e, parang kanina, makairit nung nakita si Lyco, halatang type na type. Baliw. =O=

Pero, alam niyo, feeling ko, type din siya ni Lyco, napapasmile kasi si Lyco pag natingin kay Niobe.

Yung ang may "SOMETHING".

"Really? Sayaaaang naman! Bagay pa naman kayo! Then who is the girl?" tanong niya, teka sasabihin ko ba na si Cesium ang girl? Pinsan niya si Cesium diba? Baka mamaya sabihin kay Cesium at malaman ni Cesium at...

"Si Cesium" ayun, sinabi ko, makulit din kasi 'tong babaeng 'to. Hahaha.

*beep* *beep*

Ayan na, nandiyan na si Tristan

"Yanna! Tara!" saka niya ako pinagbuksan ng door

"Tris, si Niobe, hatid natin siya" sabi ko sa kanya

"Hello Tris!!! Hehehehe" si Niobe yan. napakafriendly niya talaga, always positive

"Hello Niobe! Tara?" si Tristan yan, isa pa din 'to, friendly, swerte ni Cesium sa bestfriend ko! :)

Umalis na din kami, gabi na din kasi, 8pm na.

"Anong gagawin niyo para bukas?" tanong ni Tris sa amin, si Niobe naman, agad sumagot, daldal talaga nito..

"Bale kakanta kami tapos yung kapatid ni Lyca, si Fafa Lyco, magpeplay ng guitar! Si Diana, mapeplay din ng guitar!" napatingin naman sakin si Tris.

"You will play guitar?! Wow. Nice Yanna! Panonoodin ko talaga yan!" manghang mangha siya, alam kasi niyang di naman talaga ako naggigitara. Lol.

"Che, wag na! Sira, kayo ba?" tanong ko sa kanya, ang alam ko kasi sa mga sasayaw siya kasama.

"Ayun, kume KPOP, puro kasi kami lalaki, walang babaeng sumali sa mga sasayaw, panoodin mo na lang bukas, mala EXO kami, HAHAHAHAHA" masaya siya niyan pero teka, WOW ha. KPOP daw! O.o

Ano kayang hitsura nun??? I'm so curious!

And there, after a moment, nakarating na kami sa bahay nina Niobe, isa pa ding malapalasyo, ang laki din ng house nila.

After that, ako naman yung hinatid ni Tris. Thank you talaga sa bestfriend ko, anytime, anywhere! Swerte talaga ni Cesium :)

"Sige Tris, bukas na lang, thank you talaga sa paghatid-sundo anytime, anywhere!" saka ako bumaba ng sasakyan niya.

"Kaw pa! What are bestfriends for?! Geh, pasok na, mahamugan ka pa. Bye! See you tom" saka siya umalis.

Di naman siya nagmamadali.

My Krypton Knight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon