M: Prologue

5 2 0
                                    

MADNESS
Prologue




"NAKAKALOKA 'yung ginawa ng gagong iyon, hindi ba."


"Ate naman..."


"Hindi, Cherry. Masyadong tarantado ang ginawa niya sa iyo."


"Biruin mo, habang naghihirap kayo rito ng mga bata, nagawa niyang mangaliwa? Gago."


Kumunot ang noo ko dahil sa mga narinig. Tuluyan na akong nakababa sa hagdan at nadatnang umiiyak si Mama kasama sina Tita Asher at Tita Ryl.


"Anong mayroon?" salubong ko sa kanila.


"Anak..."


Tarantang napatayo si Mama at niyakap si Tita Asher. Kahit naguguluhan ay umupo ako sa pang-isahang sofa at hinintay ang sasabihin nila sa akin.


"Iyang tatay mong magaling! Niloloko lang pala kayo!"


My eyes immediately shut as I heard what Tita Ryl said. Nagloko si Papa. Iyan ang malinaw sa akin. Napangisi ako. Hindi na ako nagulat, may hinala naman na talaga ako ilang buwan na ang nakararaan.


Marami pa silang pinag-usapan habang si Mama naman ay abala pa rin sa kakaiyak. Bumuntong hininga ako bago tumayo at walang pasabing umakyat papunta sa kwarto ko.


Nagloko si Papa. Niloko niya si Mama.


All this time, may iba na pala siyang inaasikaso. Kaya pala... kaya pala kapag tumatawag ako o ano, palagi niyang sinasabi na busy siya. Ayon pala ang dahilan. Ang babae pala ang dahilan.


Napapikit ako ng mariin.


Putangina.




TARANTANG sinalubong ko si Tita Asher na nasa sala, umiiyak.


"Tita, anong nangyari?!" tarantang sigaw ko.


Tinignan niya ako at niyakap. "A-annaya..."


"Auntie, anong nangyari kay Lola?!"


"Auntie!"


Nilingon ko ang dalawa kong pinsan na kakababa lang ng hagdan. Sina Janella at Rose, ang kasama ko sa tinatawag ng angkan namin na Tres Marias ng Lola ko.


"Annaya... Kumalma ka."


Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko. "Putangina, paano ako kakalma kung wala kang sinasabi sa akin?! Kahit sina Janella at Rose walang alam! Ano bang nangyayari, Tita?!"


Hindi ko na mapigilang taasan ang boses ko. Kanina pa siya umiiyak at hindi mapakali, pati ang mga pinsan ko ay ganoon din kaya gulong-gulo na ako!


"S-si Lola mo, wa-wala na siya..."


Nakakabinging katahimikan ang namayani sa bahay. Kahit ako ay hindi makagalaw, nakaawang ang aking mga labi habang nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Tita Asher.


"Anong... anong sabi mo?" halos pabulong kong sabi.


"Auntie, that's not a good joke!" Janella screamed.


"Tumawag ang Mama mo, Annaya. A-ang sabi, wa-wala na raw s-si Mama."


"Putangina, tara na sa hospital!"


Agad kaming hinila ni Rose palabas ng bahay. Kaming dalawa ni Janella ay nakatulala pa rin, prino-proseso ang nangyayari.


Ano bang... ano bang kamalasan 'to?




ARMANI CLAN SERIES: MadnessWhere stories live. Discover now