Chapter 2

3 0 0
                                    

Raels's POV

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa pinakalikod na part ng classroom sa tabi pa ng CR. Ang panghi jusko po! Hindi ba sila nagbrigada dito? May tae pa yata iyong bowl. Ang baho!

Napansin ko rin na kakaunti lang kami dito sa room. Siguro mga twenty-five lang. Okay na ito kesa naman sa maraming kaklase na puro plastic!

Wala pa yung adviser namin noong dumating ako dito. Madali ko lang naman nahanap iyong room namin kasi ito lang naman ang GAS at pinaka pangit na room. Halatang hindi favorite ng school. Charot!

Yung upuan ko parang rocking chair. Puro kalawang pa tapos natatanggal na yung mga tornilyo. Ito na lang kasi iyong vacant kanina. Ito ang napapala ng late, e. For sure upuan ang unang project.

Buryong buryo na ako dito sa kinauupuan ko. Ang boring! Wala man lang makausap. Iyong iba busy na sa mga katabi nila, habang ako nandito, tinitiis 'yong amoy ng cr.

Gusto ko ng drama. Sana may magsuntukan. Mas maganda sa dati kong school. First day pa lang may na-hospital na.

A few minutes later dumating na yung adviser namin. Naku po! Isang ihip na lang yata, e, matutumba na sa sobrang tanda. Hindi pa ba retired ito? Baka janitor. Hindi, e. Naka uniform siya. Ah, siguro marami pang utang kaya ayaw mag-retire.

Biglang nagsitahimik ang mga kaklase nang dumating siya. Mga plastic! Parang kanina lang ayy parang palengke itong classroom, e.

"Good morning students, I will be your class and adviser. My subjects to you are Earth and Life Science and General Mathematics." he introduced himself with matching ubo. Si Mike Enriquez pala ito, e.

Wala nagsalita sa amin. Alangan naman na meron, e, wala naman siyang tinanong.

"Sir, ilang taon ka na?" biglang tanong nang lalaking mataba sa gilid.

Nice, mukhang may makakasundo ako dito, a. Ang tapang mo, bro! Keep it up.

"Ako ay limampu't siyam na taong gulang na." sagot ni tanda.

Ayy one year na lang pala at magre-retire na. So sad naman.

"Ano daw?" narinig kong tanong ng lalaki kanina. Nagtawanan ang mga kaklase namin. Pati ako natawa na din. Base kasi sa tono ng boses niya ay hindi niya naintindihan yung sinabi ni tanda.

"Fifty nine years old daw," sagot ko sa kaniya.

Tiningnan ako no'ng lalaki at sinamaan ako ng tingin.

Luh, problema mo?

Dahan dahan siyang umupo habang masama pa rin ang tingin sa akin.

"Hayaan mo na, George."

Ah, George pala pangalan niya. Kapatid pala iyo ni Peppa, e.

"Abangan na lang natin sa gate mamaya." sabi ng kasama niyang parang skeleton naman.

Ayos ng tropahan nila, a. Weight doesn't matter ang peg. May payat, mataba tapos katamtaman.

Pero wait, Sino yung aabangan nila sa gate mamaya? Hala, don't tell me na akon iyon.

Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Pero bakit naman nila ako aabangan sa gate, e, in-English ko lang naman yung sinabi ni sir. Tapos bakit ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi lang naman ako iyong tumawa kanina. Ayaw ba niya sa'kin. Haysst! Akala ko pa naman magiging friends kami.

Itinuon ko na lang muna sa iba ang aking pansin. Pero sa totoo lang ay nag-o-overthink na ako. Kaya ko naman silang labanan. Sanay na ako. Pero yung pangako ko kay mama. Haysst! Bad trip naman, oh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Unlikely Victory: LoveWhere stories live. Discover now