cousins

7 1 0
                                    

kinabukasan ay araw ng sabado maaga gumising si yuki at inistorbo ang kanyang pinsan na si maeshi. "ate shi ate shi gising ka na dali may tatanong ako sayo". naalimpungatan si maeshi "yukiman ano ba ang aga aga naman mang istorbo eh. ano ba yun?" sumagot si yuki na "nagugutom na kase ako pwede bang magpaluto sayo kahit na hotdog lang tsaka egg please gutom na talaga ako". kahit inaantok pa ay tumayo ang kanyang pinsan para ipagluto sya ng makakain, makalipas ang ilang sandali ay naghain na si maeshi para sa kanilang dalawa. ngingiti ngiti naman si yuki habang paupo "sabe na gutom ka na din eh hehe" napakamot ng ulo ang kanyang pinsan. maya maya nang sila ay kasalukuyang kumakain ay biglang natulala si yuki at agad itong napansin ng kanyang pinsan "wag mo masyado isipin yun baka natutulog pa yon" bumungingis ang kanyang pinsan. tila naguluhan naman si yuki "ha? sino wag kong isipin?". sagot ni maeshi "yung batang lalake kahapon na ngumiti sayo". bigla namang namula si yuki sa tinuran ni maeshi kung kaya naman lalo sya nitong inalaska "uuuuyy si yukiman tama yung sinabe ko iniisip nya yung bata kahapon". depensa naman agad ni yuki "hindi noh. nagtataka lang ako kase bat nginitian nya pa ko samantalang tinarayan ko na sya bat sila chino, rap, at carlos pag iniirapan ko naiinis din sakin eh bat sya nginitian nya ko?". sabe ni maeshi "di naman lahat magkakapareho eh malay mo mabait talaga sya o kaya naman baka naman crush ka rin nya" nilapitan ni maeshi si yuki at kiniliti nagtatawanan ang magpinsan nang magising ang isa pa nilang pinsan na si rythm. tanong ni rythm "may almusal na?" at nagtawanan ulit ang magpinsan. maya maya pagtapos nila magsikain ay naisipan nilang lumabas ng bahay upang mag antay sa kanilang lola na namalengke.
pagbukas ng gate ni yuki ay nilibot nya agad ang kanyang mata sa labas at di inaasahang nakita nya muli ang bata kahapon muli itong ngumiti skanya kung kaya naman bigla nya ulit sinara ang gate nagulat si maeshi "kala ko ba aantayin natin si mayee? bat sinarado mo ulit yung gate?" sabe naman ni yuki "mamaya na pala tayo lumabas tinamad ako bigla ehh" napukaw lalo ang interes ng kanyang pinsan at sumilip ito sa gate nakita nya ang batang lalaki "ahh kaya pala anjan pa si killer smile" napatitig si yuki sa kanyang pinsan. di nagpapigil si maeshi at binuksan nya muli ang gate sakto naman na dumating ang kanilang lola, maraming pinamili kaya tinulungan nila magpasok ng pinamili nang palabas na si yuki ay nagulat sya ng makasalubong ang batang lalake na may dalang bayong kung kaya naman napatalikod sya ulit at tinanong sa sarili kung bakit sya kinakabahan.

somewhere we once belong togetherWhere stories live. Discover now