playmates

7 1 0
                                    

lumabas na si maeshi ng bahay at hinanap kung nasaan si yuki, nang mapagtanto nya na nasa loob ulit si yuki ay hinatak nya ito palabas ng bahay. nasa labas na sila at sinabe ng kanilang lola na sige maglaro na muna sila dahil mamayang hapon pa ito magluluto ng paninda. sa di kalayuan ay nagbabike ang bata kahapon kaya inilabas ni yuki ang kaniyang trolli ngunit hindi naman nya ito sinakyan at lumapit sya sa isang bata "ui bata" napatingin skanya ang bata at lumapit "bakit?". "pwede ko ba mahiram yung bike mo o kaya naman palit tayo sayo muna trolli ko peram ako ng bike mo". sabe naman ng bata "ayy hindi akin to eh dun to skanya" sabay turo sa isa pang batang lalake nang sundan ng tingin ni yuki ang tinuturo ng bata ay bigla nanaman syang kinabahan. sabe ni yuki "ikaw na lang magsabe skanya na peram ako. baka di ako pahiramin nun eh". wika naman ng bata "hindi mabait yon, sige lapitan mo". sabe ni yuki "di ko alam pangalan nya"
"ayy oo nga pala noh sya si ano uhmm. peter, ako naman si cong". napatingin si yuki sa bata at nasabe nya na "ahhh peter pala pangalan nya" di nya napansin na nakikipag kamay si cong at nilapitan nya agad ang batang si peter. "ano uhmmm kuya peter pwede po ba makahiram ng bike saglit or kaya naman gusto mo palit tayo sayo muna trolli ko peram ako ng bike mo" nginitian sya ni peter at tila kinabahan nanaman si yuki "oo ba sige palit tayo" nakangiti pa rin si peter kay yuki kaya naman ngumiti na rin si yuki "bagay naman pala sayo nakangiti eh" tila nahiya si yuki.
ito ang unang beses na ngumiti sya sa ibang tao. nagpalitan na sila ng laruan at nang pasakay na si yuki sa bike ay inalalayan sya ni peter. hanggang sa nagbike na si yuki at si peter naman ay pinaandar ang trolli. ngunit sa di kalayuan ay sumemplang sa bisikleta si yuki agad naman syang pinuntahan ni peter at tinanong "ayos ka lang ba? ilan nahuli mong isda?" ngumiti ito at naglahad ng kamay para tulungan syang tumayo sabe naman ni yuki "wala eh malas nakawala" at nagtawanan silang dalawa hanggang sa di nila namalayan na tanghali na pala at kailangan na nila umuwi sa kani kanilang bahay para mananghalian.
tinawag na si yuki ng kanyang pinsan para mananghalian. bago tuluyang tumalikod si peter ay tinanong nya ito "pupunta ka ba ulit dito mamaya?" tanong ni peter "mamimiss mo ko agad noh?" sabay tawa sagot naman ni yuki "hinde noh! syempre maglalaro tayo ulit tapos peram ako ulit ng bike mo sayo ulit tong trolli ko" sagot ni peter "sige pagtapos ko kumain magpapahinga lang ako ng konti tapos pupunta na ko dito" nginitian nya si yuki bago tuluyang sumakay sa kanyang bike. umuwi si yuki na nakangiti.

somewhere we once belong togetherKde žijí příběhy. Začni objevovat