CHAPTER 1

10 0 0
                                    

I'm Rhiana Patriaca , 25 years old. Isa akong ordinaryong babae, hindi kami sobrang mahirap pero mas lalong hindi kami mayaman.

Mahilig akong magpinta at sumulat. Lumaki akong sanay sa kung anong meron ako sa buhay.

Sanay ako sa kahirapan ng buhay pero puno naman ng pagmamahal ng aking ama at ina.

Hindi ko man nakukuha at nabibili ang lahat ng gusto ko, pero masayang-masaya pa rin ako dahil pinuno ng pagmamahal ang puso ko, nina Nanay at Tatay.

Pero sa kasamaang palad, dumating ang pagsubok sa buhay namin. Ang pinakakinatatakutan kong pagsubok.

Dahil nagkasakit ng malubha ang Tatay ko.

Ngayon ay nasa hospital s'ya, nakaconfine, nagpapagaling at kailangan niyang magpa-opera.

Kakailanganin namin ng mahalagang pera para mapaopera agad si Tatay. Ayokong mawala siya sa buhay namin kaya gagawin ko ang lahat para gumaling at mapaoperahan agad si Tatay.

-----

Kasalukuyang na'ndito ako sa Maynila, dito na muna ako dahil kailangan kong magtrabaho bilang isang Maid sa isang Mansion na may kilalang may-ari ng kompaya ng isang kilalang pamilya.

Hindi ko pa lubusang nakikilala ang ugali ng magiging Boss ko.

Pero base sa sinabi sa'kin ng kaibigan kong si Megan ay mabait naman ang magiging amo ko. Ang natatandaan kong pangalan na sinabi niya ay si Madame Floresinta.

Kilala si Madame Floresinta bilang bilyonaryo at ang kaniyang buong angkan. Batid kong nasa senior citizen na siya kaya siguro kailangan niya pa ng karagdagang Maid.

Pero natatandaan ko rin ang sinabi ni Megan. Na may apo ito, nagngangalang Caiden Matthew De Guzman.

At sinabi ni Megan sa'kin na maging maingat daw ako dahil masungit, play bot at bad boy itong tao.

Hindi naman ako natakot. Dahil si Madame Floresinta naman ang magiging amo ko at hindi siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be A Badboy's MaidWhere stories live. Discover now