III

22 0 0
                                    

Itim na Kalangitan
Akda ni Princess Armyn Espallardo


Noong unang panahon may isang cabecera sa bayan ng Luzon na nagngangalang Valentina, sagana ang pamumuhay ng mga tao sa bayan dahil ginto ang kanilang pinagkukunan, malawak at kulay luntian ang paligid, pagsapit ng dapit hapon ay tingkad ang bayan dahil sa mala ginto rin nitong kulay na nagmumula sa araw, masaya ang bayan ng Valentina na para bang lahat nang kanilang pangangailangan ay binibigay mula sa diyos.

Ngunit ang lahat ng kasiyahan ay hindi nagtatagal, isang araw dumilim ang kalangitan sa bayan na parang kinain ang araw nawala ang sigla sa bayan na noon ay sagana sa kasiyahan, dahil sa pagdating ng mangkukulam at naghari ito sa bayan.

Matagal nakabalot sa dilim at takot ang bayan dahil sa mangkukulam na hari. Walang sumubok kumalaban sa hari dahil sa kanyang lakas na kapangyarihan.

Ang kanilang langit ay napaka itim wala ng masisilayang liwanag mula sa araw dahil  ang mangkukulam na hari ay pinagmumulan ng kadiliman sa bayan, kaya tinagurian siyang haring itim mula sa kadiliman. Pinahirapan ng haring itim ang mga tao sa cabecera ng Valentina, Kaya ang nais ng bayan ay makawala sila mula sa kadilima, hinihiling na mga taong bayan na may isang magiting na nilalang upang  kalabanin ang haring itim.

Isang araw, may isang lalaking nagngangalang Jose, si Jose ay isang anak ng magsasaka mula sa bayan ng Valentina siya ay matapang at mayroon siyang matalim na ispada na kadalasan niyang gamit sa pakikipaglaban sa mga  kawal ng haring itim.

Nalaman ito ng hari dahilan upang lalo itong magalit, tinutulungan ni Jose ang mga taong bayan na pinapahirapan sa kaharian at mga nakabilanggong bata at matatanda. Sinasakripisyo ni Jose ang kanyang buhay para lamang sa kanyang bayan upang makalaya.

Mayroong asawa si Jose na nagngangalang Carmela, alam ng kanyang asawa na balang araw ay mapapalaya nito ang bayan laban sa hari at tanggap ni Carmela ang tadhana para sa kanilang dalawa.

Isang gabi habang tahimik ang selda ng mga taong nakabilanggo ay lumitaw si Jose upang palayain ang kanyang mamamayan nang palihim, nagawa naman itong alisin ni Jose sa pagkakabilanggo. Dahil sa kabutihan at katapangan ay lumapit ang isa sa mga tinulungan ni Jose isang matandang pulubi at inihayag nito kung paano matatalo ang hari ng kadiliman.

Isinalaysay nito na may paraang upang matalo ang hari, ang pagkuha sa ilaw ng kapayapaan ito ang magsisilbing kalayaan sa buong cabecera ng Valentina, matatagpuan ang ilaw ng kapayapaan sa bundok na dulong bahagi ng silangan kung saan sumisikat ang araw.

Si Jose ay pumunta sa bundok ayon sa payo ng matandang pulubi upang puntahan ang ilaw ng kapayapaan, nung una hindi pumayag ang tagabantay ng liwanag ngunit dahil sa pakiusap at hiling ni Jose ay ibinigay ng tagabantay ang ilaw ng kapayapaan, ngunit binalaan si Jose ng tagabantay “hindi makakamit ang minimithing kalayaan dahil  kailangang may magsakripisyo ng buhay para sa ilaw ng kapayapaan” babala ng tagabantay.

At upang mapanatili ang lakas ni Jose ay binasbasan ng tagabantay ang ispada nito upang sa gayon ay matalo ang hari ng kadiliman.

Bumaba si Jose sa bundok pagkatapos, ay nagtungo ito sa cabecera ng Valentina upang harapin ang hari. pagkarating ay sinalubong siya ng mahigit apat na daang mukbong kawal ng haring itim, ngunit hindi nagpatalo si Jose, gamit ang kanyang ispada na may basbas ng tagabantay ng liwanag ay natalo niya ang mga ito ng isang hawi lamang.

Agad nagtungo si Jose sa itaas ng kaharian at doon ay nagtuos sila ng hari ng kadiliman, nagpakawala ang hari ng matitinding kapangyarihan upang talunin si Jose ngunit hindi siya nagpatinag gamit ang ispada ay ginawa niya itong kalasag upang maging depensya laban sa kapangyarihan ng hari.

Ang mga tao sa bayan ay nagsitago habang pinapanuod ang labanan sa itaas ng kahariaan, ang kapaligiran ng bayan ay balot sa matitinding talim ng kidlat at hampas ng hangin na para bang malakas na unos kung pagmasmasdan.

Lumaban nang lumaban si Jose upang makamit ang kapayapaan ng bayan ang nais niya lamang ay talunin ang hari. Hindi nagtagal ay napagod ang hari ito na ang hudyat ni Jose upang talunin ito ngunit nakaramdam si Jose ng awa sa hari.

“Bakit hindi mo ako patayin?” tanong nito sa kanya.

“Dahil hindi lahat dinadaan sa marahas na paraan,” sagot ni Jose.

Isinalaysay at inihayag ng hari ang buong pangyayari sa kanyang buhay. Ang hari ay isa palang enkantado na naninirahan sa langit. Noong bata pa lamang siya ay masaya siya dahil marami siyang kasama sa buhay kaibigan na kapwa enkantado tila isang paraiso ang kanyang nakaraan, ngunit nagbago ang lahat nang simulang dakipin siya at inilayo sa kanyang mga mahal. Ang mga taong rebelde mula sa cabecera ng Valentina, ikinulong siya sa kadiliman upang pamalit sa mga salaping mga ginto at doon ay nagdusa ang hari nang habang buhay.

Dahil sa tindi ng kanyang dinanas ay nakakuha siya ng lakas sa kadiliman at ginamit niya ito upang makawala sa pagkakabilanggo, nang makalaya ay nais naman niyang gumanti sa mga taong rebelde mula sa bayan ng Valentina kaya ganoon na lamang ang galit niya sa bayan.

Naliwanagan si Jose sa mga pahayag ng hari na ang ugat ng dahilan ay sa mga taong rebelde ng bayan mula sa Valentina. Hindi naman niya intesyong manakop bagkus ay humahanap ito ng hustisya dahil sa pagnakaw ng kanyang kalayaan.

Hiling ng hari na nais niyang bumalik sa dati at ayaw niya ang kanyang ginagawa, upang matupad ang hiling nito ay kinuha ni Jose ang ilaw ng kapayapaan at ginamit niya ito upang linisin ang hari mula sa kadilimang anyo nito.

Nangyari naman ito at nagbago ang wangis ng hari bumalik ito sa pagkabata nitong itsura at naging masiyahin nagpasalamat ang hari at naglaho ito ng parang bula sa hangin at lumipad papuntang langit, masaya si Jose para sa hari na bumalik ito sa dati nitong wangis na para bang nag-umpisa muli ito sa pagkabata at bumalik sa tunay nitong paraiso sa langit.

Ngunit hindi pa tapos ang lahat bagkus ang langit ay madilim parin kahit nakalaya na ang hari mula sa madilim nitong nakaraan. Naalala ni Jose ang babala ng tagabantay

Hindi makakamit ang minimithing kalayaan dahil  kailangang may magsakripisyo ng buhay para sa ilaw ng kapayapaan,”

Upang makamtam ang liwanag para sa bayan ay sinakripisyo ni Jose ang kanyang buhay, ibinaon niya sa kanyang puso ang ilaw ng kapayapaan.

Natigil ang matatalim na kidlat at hampas ng hangin, unti-unting lumiwag ang buong langit muling nagpakita ang araw sa bayan sa halos pagkakabilanggo nito sa dilim. Nagsilabasan ang lahat ng tao pati mga hayop muling dinama ang init mula sa araw.

Dahil sa mga pangyayari ay naging malungkot ang mga taga nayon dahil sa pagsakripisyo ni Jose para sa kalayaan ng bayan pero sakabila ng lahat masaya narin ang taga nayon kabilang ang asawa ni Jose nasi Carmela na ilaalala ang kabayanihan ng kanyang asawa.

-Wakas-

The Shepherd Short storiesWhere stories live. Discover now