IV

16 0 0
                                    

Ang Hardin nila Billy
Akda ni Renz Angelo Toquero

Sa isang bayan sa Rizal ay matinding tagtuyot ang kanilang nararanasan. Ang mga tao sa bayan ay walang mapagkunan ng tubig dahilan para mahirapan silang kumilos sa kanilang pang-araw araw na gawain. Ang bayan ay nahaharap sa matinding krisis dahil sa patuloy nilang nararanasang tagtuyot. Nagtitiis ang bayan dahil sa mainit na panahon halos bitak ang lupa sa palayan, tuyo ang mga ilog at sapa at ang mga tanimang mga gulayan ay halos hindi na mapakinabangan dahil sa tinding tagtuyot na nararanasan.

Ang buong bayan sa Rizal ay mistulang disyerto dahil sa walang tubig na mapagkunan, kalahati sa nayon ay nagugutom na at ang iilang bata ay namamayat dahil kakulangan sa malnutrisyon.

Ngunit hindi lahat ay nahihirapan sa matinding pagtama ng tagtuyot maliban nalang sa pamilya ni Billy, panganay siya sa limang magkakapatid, makikita ang kanilang tahanan sa dulong bahagi ng bayan. Masaya ang pamilya ni Billy dahil sa hardin na nagbibigay sa kanila ng pangangailangan tulad ng prutas at mga gulay ay napakayabong at matingkad ang kulay.

Hindi sila nahihirapan sa tubig dahil sa balon na nakatayo sa gitna ng hardin, sa at tuwing umaga'y dinidiligan nila ang kanilang mga pananim. Bukod tangi ang lugar nila Billy dahil luntian ang kulay ng paligid at mayroong mga bulaklak na may iba't-ibang kulay na para bang bahaghari ang paligid.

Isang araw habang nanunuod ng telebisyon ang kanyang pamilya ay naaawa sila sa kalagayan ng bayan dahil sa tagtuyot na nararanasan, walang kain ang iilan at walang tubig na mapagkukunan. Dahil sa krisis na kinakaharap ng bayan ay napagpasyahan ni Billy at kanyang pamilya na mahigay ng mga prutas, gulay, at tubig.

“Sobra-sobra naman ang ating mga inaning taning kaya mamigay tayo sa bayan bukas,” saad ni Billy sa kanyang pamilya.

Sumang-ayon naman ang buong pamilya nito upang makatulong sa mga taong nahihirapan sa panahon ng krisis na nararanasan dulot ng matinding tagtuyot.

Kinabukasan ang buong pamilya ni Billy at naghanda upang magbalot mga prutas at gulay, nagdala rin sila ng mga galong tubig mula sa balon agad nagtungo ang buong pamilya sa sentrong bayan upang doon ay mamigay ng mga gulay, prutas, at tubig na walang hinihinging kapalit mula sa mga nasalanta ng krisis.

Napabalita ito ng buong bayan kaya ang resulta ay dinumog sila ng maraming tao dahil sa dami ng taong pumunta sa sentrong bayan ay naubusan ang mga ito.

“Paumanhin ngunit wala na ang mga libreng gulay at prutas,” paliwanag ni Billy sa mga mamamayan.

“Sinungaling!! Mayroon pa kayong tinatagong mga prutas at gulay!” bulyaw ng mga tagabayan.

“Pakiusap bigyan niyo pa kami ng mga gulay at tubig nangangailangan kami ngayon!!” saad pa ng mga mamamayan.

Ngunit walang magawa sina Billy kundi bumalik sa kanilang lugar at kinuha ang mga lahat ng pananim, muling bumalik sa sentrong bayan upang mamahagi muli sa mga mamamayan.

“Paumanhin muli ngunit wala na ang mga libreng prutas at gulay,” sambit muli ni Billy sa mga taga bayan.

“Sinungaling!! Mayroon pa kayong tinatagong mga prutas at gulay!” bulyaw muli ng mga tagabayan.

“Pakiusap walang makakain ang aking mga anak at para sa lahat!” saad muli ng mga mamamayang nagmamakaawa.

“Patawad ngunit ang mga natitirang mga pananim ay hindi pa sapat upang pitasin maaaring sa susunod na linggo pa ang ani namin,” paliwanag naman ni Billy.

The Shepherd Short storiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz