Chapter 14: Incident

5.4K 63 4
                                    

Natapos ang mass na tahimik si Kaius sa tabi ko. Well natural naman talaga yon kapag nasa iisang misa ka.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya at tinitinggnan siya, namumula siya ngayon.

"I'm fine love, mainit lang po rito" Saad niya at hinalikan ako sa labi. Tumayo naman kami at pumunta kay father, nakasunod lang din sa amin ang mga kaibigan niya.

"Kaius, long time no see, how are you?" Saad ni father at kinamayan si Kaius. Napatingin naman siya sa'kin kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

"Ikaw pala MRS VARGAS" Diniinan niya talaga ang pagkaka bigkas ng Mrs Vargas, feeling ko may galit talaga to si father sa akin ba.

"Heheh, hi father, how are you po?" Tanong ko sa kanya at ngumiti.

"Ikaw nga ang dapat kong tanungin hija, wala pang damage yung pagkaka hulog mo doon?" Napatingin ako sa tinuro niya. Ay bastos.

Pinaalala pa talaga yung katangahan ko nong kasal namin ni Kaius.

Rinig ko rin ang mga tawanan ng mga kaibigan ni Kaius sa likod ko, kaya tiningnan ko sila nang masama.

"Past is past father, hindi ka maka move on? Seguro kaya ka nagpari kasi nabasted ka or hindi naka move on" Saad ko at ngumiti sa kanya.

"Ikaw talaga" Napatawa nalang ako sa mga biruan namin, nagpaalam narin naman kami dahil sa may date pa kami ni Kaius, at naka buntot ang mga kaibigan niya sa amin.

Feeling ko tuloy asawa ako ng mafia boss dahil sa galawang ito, na parang may susugod nalang bigla sa amin kaya naka alerto sila palagi.

Napalingon ulit ako kay Kaius nang muntik itong matumba. Umalalay naman kaagad ang mga kaibigan niya.

Kinuha ni Sebastian si Cassandra kay Kaius.

"Love? What's wrong?" Kinakabahan kong tanong dahil namumula na talaga siya ngayon.

"Mack! Call the ambulance" Saad ni Lawrence kay Mack. Hinawakan ko naman si Kaius.

"A-Anong nangyayari?"  Kinakabahang tanong ko, hindi na ako mapa kale dahil sa kalagayan ni Kaius ngayon.

"He's allergic to cats" Saad ni Sebastian, nagulat ako sa sinabi niya, because hindi niya sinabi sa akin na allergic siya sa pusa. Kaya pala iwas na iwas siya kay Cassandra noong unang dala ko sa kanya sa condo namin.

Napaiyak ako at tumingin sa kanya "Bakit  Kaius? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak. Halata sa muka niya na nahihirapan na siya pero pinipilit niya parin.

"I-Im fine love.....y-you don't need to worry" mas lalo lang akong napaiyak nong sabihin niya iyon.

Handa ba talaga siyang ibuwis ang buhay niya para lang sa ikakasaya ko?

Pwes I can't lose him, siya nalang ang meron ako ngayon at ang daddy ko, wag naman sana ganito na kukunin niyo rin kaagad siya sa'kin lord.

Nagsisimula pa lang kami na bumuo ng totoong relasyon namin, sana naman pagbigayan niyo kami.

"Stop crying Mrs Vargas, magiging okay din po si boss" pagkaka kalma sa'kin ni Lawrence, Pero hindi ko magawang kumalma ngayon dahil sa kalagayan ni Kaius.

"I can't Lawrence, nasa bingit ng kamatayan si Kaius, paano ako kakalma?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman nagtagal at dumating kaagad ang ambulance.

"Be careful" Saad ko ng kunin nila si Kaius.

"Susunod kami sa inyo Mrs Vargas" Saad sa'kin ni Sebastian, tumango naman lang ako at sumunod kay Kaius.

"Please love, don't leave me" paki usap ko sa kanya habang hawak hawak ang mga kamay niya.

"S-shh L-love....I won't leave you" Pinilit niya paring pinunasan ang mga luha ko kahit na nahihirapan na siya.

"Kuya! Can you make it fast?" Tanong ko sa kanila dahil hindi ko na talaga kaya na makitang nahihirapan ang asawa ko.

"Malapit na po tayo ma'am, kumalma lang po kayo" sagot niya sa'kin, hinakawan ko nalang ang kamay ni Kaius.

After ng ilang minutes ay dumating na kami sa hospital. Inalalayan din naman ako nila kuya. Hawak ko parin ang kamay ni Kaius hanggang sa makapasok kami sa loob ng hospital.

"Sorry Mrs, pero hanggang dito nalang po kayo" Saad niya sa'kin.

"Please gawin niyo ang lahat para maging okay ang asawa ko" Pagmamakaawa ko sa doctor. Hindi ko kayang wala ni Kaius sa akin.

Napaupo ako sa upuan nang ipasok na nila si Kaius sa kwarto. Dumating na rin naman ang mga kaibigan ni Kaius.

"Kumalma kana po" Saad ni Mack sa'kin, Pero kahit anong sabihin nila hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang may tumawag dito, wala na ako sa sarili at hindi ko na tiningnan kong sino man ang tumawag.

"I was busy now, my husband is in the hospital, hindi ako tatanggap ng appointment" diretsong saad ko sa tumawag, papatayin ko na sana nang magsalita ito.

"How's Kaius anak?" Napatingin naman ako sa screen ng phone ko, it was daddy.

"D-Daddy" hindi ko mapigilan ang hindi umiyak sa tawag namin.

"Wait for us their, papunta na kami" Saad niya, tumango nalang ako na para bang nakikita niya ako ngayon.

Pinatay ni daddy ang cellphone kaya bumalik nalang ako sa upuan ko.

Halos isang oras na ang naka lipas pero wala paring lumalabas sa kwarto.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na bawal siya sa pusa?" Mahinang tanong ko sa tatlo, they know in the first place nong umupo kami sa simbahan, but hindi man lang nila sinabi sa akin.

"We tried Mrs Vargas, but pinag bantaan kaagad kami ni boss sa mga tingin niya, kaya nagparinig nalang kami, but we didn't think na hindi mo ma rerealize" paliwanag ni Sebastian sa'kin.

"But sana man lang inabisuhan niyo ako ng maayos" Naiiyak na saad ko. I was so worried right now.

"Magiging okay din siya, kaya kumalma kana" Saad ni Lawrence.

"You are a business women and also an actress and wife of Kaius Vargas. Hindi maganda na nakikita ka ng mga tao na ganyan, maari nila kayong siraan" Mahabang saad ni Mack. And he's right. Hindi nila ako pwedeng makita na ganito. Maari nilang gamitin to laban sa akin.

O laban pa mismo sa sarili kong asawa.

Tumayo ako at naglakad patungo sa banyo, hindi parin nakakarating sila dad ngayon, ang sabi niya lang nagka problema raw. And I understand him.

Palagi ko rin naman siyang iniintindi, seguro nga busy lang siya now.

(Possesive Series #3) Taming To The Innocent WifeWhere stories live. Discover now