CHAPTER 17: Who's Lanzer?

4.2K 54 9
                                    

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ko. Pero based sa expression ni Lawrence parang hindi ata siya natutuwa na makita ang lalaking ito.

"We really know each other Ms-" hindi niya ito tinapos at tumingin sa'kin, he's familiar with me pero hindi ko maalala if saan ko ba siya nakita. "Sorry for my mistake, I guess you are Mrs Vargas?" Tanong niya sa'kin.

"Yesss. That's me" Muka naman siyang mabait and friendly. Praning lang talaga to si Lawrence.

Inalok niya ang kamay niya sa'kin, at mukang mabait naman siya balak ko na sana makipag kamay, nang magsalita si Lawrence sa tabi ko.

"Touch her and I'll break your dirty hand" Kinilabutan naman ako sa sinabi niya, kahit sino naman seguro kikilabutan kapag narinig mo yon.

Binaba ko nalang ang kamay ko, ayoko naman na maputulan si kuyang pogi ng kamay dahil sa akin.

"Don't be so rude, Lawrence. Tinatakot mo ang asawa ni Kaius" He knows my husband. Seguro magkaibigan to sila na nagka galit sa isa't isa.

May pinag agawan din kaya silang babae? Kasi base sa expression nila ngayon 'yon ang na fefeel ko.

"Ano bang kailangan mo? Bakit nagpakita ka nanaman?" Diretsong tanong ni Lawrence. Mabigat ang tension ng tingin nila sa isa't isa. Sobrang seryoso nila.

Ramdam ko ang galit ni Lawrence sa tabi ko. Samantalang si kuya naman naka ngiti lang habang nakatingin kay Lawrence, kita ko rin ang mapang asar na ngiti niya.

"Hindi ba pwede na namiss ko kayo? I'm here para bisitahin kayo tapos yan lang ang sasabihin mo sa'kin?" May point naman siya doon. Masyado rin kasing rude ang pakikipag usap ni Lawrence sa kanya. But hindi ko naman pwede husgahan si Lawrence dahil hindi ko rin naman alam ang point of view niya.

Seguro mananahimik nalang muna ako rito sa gilid or exit na kaya ako? Masyado na kasi akong naiipit sa tinginan nila.

"Oh. Come on, Lanzer alam naman natin na hindi 'yan ang balak mo" Judgmental to siya ba. Hindi niya nga alam eh.

"Then paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan Lawrence. Basta mag iingat kayo ni Kaius sa mga susunod na araw. Naghahanda nila sila" Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya.

Pabulong nalang ito na parang si Lawrence lang ata ang nakarinig nang sinabi niya.

"Mauuna na ako." Saad niya, tumingin naman ito sa akin. "Nice to meet you Mrs Vargas, but I don't have enough time to have a chichat with you. I guess next time?" Ngumiti nalang ako sa sinabi niya at tumango.

Naguguluhan parin kasi ako sa mga kinikilos ni Lawrence. Muka naman kasing mabait si kuya eh.

Umalis ito sa harapan namin. Infairness muka siyang mayaman ha. Madami kasi itong kasama na Bodyguards and base narin din seguro sa pananamit niya.

Naunang maglakad si Lawrence papuntang elevator. Sumunod nalang naman ako sa kanya, hindi ko muna siya guguluhin. Badtrip ata siya dahil kay kuya eh, hindi kasi ma pinta ang muka niya ngayon.

Salubong ang kilay at naka busangot ito na para bang pinag bagsakan ng langit at lupa. Para rin siyang na luge dahil sa naka busangot na muka niya.

Hindi naman nagtagal ang sa elevator. Na una parin siyang maglakad sa akin siya rin naman ang may dala ng mga gamit ni Kaius, maliit na bag lang naman ang dala ko at ang pagkain namin ngayon.

Pagkarating namin sa harap ng kwarto ni Kaius ay pinag buksan niya ako nang pinto. Na babalance niya pa rin ang katawan niya at nagawa niya pa akong pag buksan ng pinto kahit na madaming bag ang hawak niya.

"Hi love!" Bati ko kay Kaius at hinalikan ito sa pisnge niya, pansin ko rin ang pagtataka niya nang makita niyang naka busangot ni Lawrence. Hindi ko tuloy siya ma sumbong ngayon dahil natatakot ako sa muka niya.

Pogi naman siya, pero nakaka takot siya kapag galit or naka busangot ang muka niya. Kahit sila Sebastian ay napa tahimik din simula nang pumasok si Lawrence na ganyan.

Sa kanilang magkakaibigan si Kaius ang unang kinakatakutan ng tatlo. Pero yung dalawa takot din kay Lawrence. Kahit naman ako matatakot sa kanya eh.

Lalo na yung kanina na maypa break break keneme pa siyang nalalaman. Para tuloy siyang si Kaius o ang tatay ko.

"What happened love? May nangyari ba?" Pabulong na tanong sa'kin ni Kaius. Kaya napatingin ako sa kanya.

"May naka salubong kami na lalaki kanina sa lobby. Naka bangga ko siya tapos nong balak ko na siya tulungan nagalit na si Lawrence. Pero magkakilala sila ha!" Mahabang saad ko. Pero maging iyon ay pabulong lang din.

"What's is his name?" Tanong niya sa akin.

"Lanzer daw eh! 'yon ang pagkaka rinig ko kanina" Saad ko sa kanya. Pero napansin ko kaagad ang pag iba ng muka niya.

Kita ko ang galit sa mga mata nito. Ano ba kasi ang meron sa Lanzer na yon? Bakit sila nagkaka ganito.

Ang una si Lawrence tapos ngayon naman si Kaius. Seguro kapag sinabi ko rin sa dalawa yung pangalang Lanzer magiging ganyan din reaction nila.

Na mapipikon or magagalit. Na cu-curious na tuloy ako kong sino ba ang Lanzer na yan. Kong may back story ba sila.

Pero imbes na tanungin si Kaius ay mas pinanatili ko nalang muna na tikom ang bunganga ko.

Seguro sasabihin naman sa akin ni Kaius if sino ang lakaking yon. Seguro hindi lang talaga ngayon.

Baka confidential pa ang information na yon, and hindi ko pwede malaman.

"Lalabas na muna ako. Kukuha lang ng mainit na tubig, gusto ko mag tea" Para naman makapag usap sila at mabawasan ang tension na nandito sa kwatrong 'to.

"I'll be back love. Iloveyousomuch" Hinalikan ko ito sa forehead niya at kinuha ang sling bag ko.

Naglakad ako palabas ng kwarto. Pagkalabas ko palang ay narinig ko na kaagad ang sigaw ni Kaius kay Lawrence.

"Hinawakan niya ba ang asawa ko Lawrence??" Galit na sigaw nito at bago ako umalis narig kopa ang pag bagsak nang kong ano sa sahig.

Hindi ako sure sa naiisip ko. Pero sana naman wag.

Wala naman siyang ginawa eh. Wala rin naman siyang kasalanan o kong ano pa.

Hindi ko rin naman nahawakan ang lalaki at lalong ginawa naman ni Lawrence ang lahat para protektahan ako.

Hindi ko na muna inisip iyon at naglakad papuntang ground floor. Sana lang talaga hindi tama ang hinala ko sa malakas na kalabog kanina sa kwarto.

(Possesive Series #3) Taming To The Innocent WifeWhere stories live. Discover now