#DMA67

307 15 5
                                    

Narrative 4

Dreams


"Nandito pala ang manliligaw mo, Harumi. Akala ko si Samantha ang nagbantay sa'yo kagabi?"

Kumurap-kurap ako habang nakatitig kay Okasan na nag-aayos ng pagkain sa maliit na dining table kaharap ng hospital bed ko. She glanced at me when I remained in silence. Lumipat ang tingin ko kay Amenadiel na sinusubukang tulungan si Okasan pero sinita siya nito at sinabihang umupo na lamang.

Amenadiel pouted at me and I instantly knew what he is pouting for. Hindi ko pa pala naibabalita kay Okasan na boyfriend ko na si Amenadiel. Tiyaka paano ko naman masasabi agad kung kakasagot ko lang sa kaniya kaninang madaling araw.

"Uhh..." I furrowed my brows look for the best reason but I cannot find any reasons.

Dagdag pa na kagigising ko lang!

I checked if I have muta by glancing at the small mirror beside my hospital bed. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala naman.

"I replaced Samantha at dawn po, Tita." Amenadiel spoke for me, then he pouted again at me.

"Ganoon ba, hijo. Naku, salamat naman at napagpapasensyahan mo si Harumi kahit na... nabasted ka niya noon." Sinulyapan ako ni Okasan pagkatapos sabihin ang huling salita na parang hindi pa rin matanggap na nagawa ko yon.

Okasan really have to drop it like that!

"Bakit mo ba kasi binasted si Owen noon anak? Buti nalang masugid na manligaw."

I blinked again.

Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa kahihiyan. 

I bet Amenadiel is enjoying this scene because he's rejoicing that my mother likes him for me!

Amenadiel licked his lips and bit it while looking at me. Ang kaninang malungkot na Amenadiel ay parang nabuhayan na. Hindi na magawang ngumuso dahil ngayon ay ngumingisi na. He chewed on his lips. Bumaba ang tingin ko doon at naalala ang mga halikan namin kagabi...

Nag-iwas ako ng tingin.

I pinched my fingers in hopes that this is just a dream. The humiliation is making me regret that I woke up!

Okasan fixed the small table on my bed. Agaran ang pagtayo ni Amenadiel para asikasuhin din ako. Even before my mother could order him, he's already getting my food and water.

Malaki ang ngiti ni Okasan habang pinanonood niya ito. Then she looked at me proudly as if she's saying that Amenadiel is the man for me. 

I smiled back.

I know, Okasan. He's it for me.

She kissed my cheeks, "I explained to him a while ago about why we kept your sickness in secret. It's good that you told him about this. He's really protective when it comes to you, Harumi."

"Ganyan na siya bata palang kami, Okasan."

"I know, anak... He even learned how to speak Japanese para lang ipag-paalam ka sa Otosan mo noon! Both of you were so young but he was so matured when it comes to you. I could still remember that day! Your father was so impressed!"

My lips parted at the revelation.

"Really, Okasan?"

I know Amenadiel is closed with my father before but I couldn't believe Amenadiel would do anything just to win my father over!

She hummed to agree, "Kaya hindi ako nagtataka na kahit kaninang pagdating ko, pinapanood ka niyang matulog. I could see how he loves you so much. Even your illness cannot separate him from you."

Dare me, Amenadiel (Cagayan State University #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon