CHAPTER 17

1.9K 60 0
                                    

Ilang araw na kaming hindi nag uusap ni Rihan, ewan ko ba why I acted like this. Parang tanga lang.

Sinubukan kong buhayin ang makina ng kotseng inaayos namin ngayon. Nabuhay ito ngunit bigla namang mamamatay.

"Haist tsk!" Bulong ko sa sarili.

"Drie isa pa." Sigaw ni kaloy saakin

At sa pangalawang beses binuhay ko ulit ito ngunit ganon parin ang nangyayare. Inis na lumabas ako ng sasakyan.

"What the hell! What's wrong with you?" I whispered because of annoyance

Nakatayo ako habang nasa bewang ang mga kamay, tangina ano bang problema nito? Nag iisip ako kung ano ba ang gagawin dito nang biglang.

"Asawa kooo!!" Sigaw nang isang familiar at matinis na boses.

"Oh Drie na riyan na pala ang isa mong girlpren." Turan ni kaloy sakin.

Tumingin ako kay kaloy, nakatingin ito sa likoran ko kaya't napatingin ako kung saan ito nakatingin. Then I saw menchie smiling ear to ear, tumakbo ito at dinamba ako ng yakap.

"I missed you asawa ko." Sabi nito saakin saka pinugpog ng halik nito ang pisngi ko.

Damn!

I shifted my gaze  to the woman who is now, wait, asan na yon? Nakaupo lang ito kanina sa gilid.

"Grabe puro grasa kana pero ang bango mo parin." Menchie chuckled, napangiti naman ako ng alanganin dito.

Sanay na ako na ganito siya, pero ngayon parang biglang nag iba. Para akong nagka roon ng kasalanan sa ginawa niya. Lalo na ngayong hindi ko makita si Rihan, nasaan naba kasi yon?

"Hey,  may dala akong pasalubong." Menchie clung her chin to my shoulder.

Lumayo ito saglit sakin.

"Taraaaaan." Tinaas nito ang dalang plastic bag.

"Thank you nag abala kapa." Sabi ko sa dalaga.

"Syempre naman, tsaka saglit lang ako dito. Dinaanan lang talaga kita." She said while smiling.

"Guys break time muna." Sigaw ko sa mga kasamahan ko.

Lumapit naman sila isa isa at kumuha ng pagkain.

"Ikaw hah, hindi kana nag tetext." Usal ni Menchie

"Busy lang." Maikling sagot ko.

"Totoo ba yon? May kalive in kana daw?"

Bigla naman akong nabilaokan dahil sa sinabi nito, anak ng saan niya naman nalaman ang ganyan?

"Of course not." Balis na pag tanggi ko.

"Weee? Eh sino yong babae kanina dito? Teka nasaan na pala yon?"

Nagpalinga linga pa ito para hanapin si Rihan, ngunit bigo itong makita ang Huli.

"Balita ko artistahin daw yon, totoo? Nako wagka lang niya talagang sasaktan ako ang makakalaban niya" talagang sinuntok pa nito ang kamao sa isang palad niya.

Natawa naman ako sa sinabi nito, Menchie is really a good friend. Matagal na kaming magkakilala nito. Akala ng iba ay girlfriend ko ito pero hindi, ang totoo niyan ay may jowa itong afam sadyang 'asawa ko' lang talaga ang tawag nito saakin, ewan ko ba dito anong trip niya.

Gabi nang makauwi ako, nagkaroon pa kasi ng konting salo salo sa talyer. may bitbit pa nga akong pagkain hehe

Pag pasok ko sa bahay katahimikan ang sumalubong sa'kin. Tumungo akong kusina ngunit ganon nalang ang pag tataka ko dahil parang hindi naman nagalaw ang gamit dito, kumain na kaya yon? Nilagay ko sa mesa ang dala ko at pumasok ng banyo, maliligo muna ako.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon