CHAPTER 19

2.3K 85 23
                                    

-UNEDITED-

Nakaupo ako sa waiting area habang nag lalaro sa phone ko, nang bigla nalang my bolang tumalsik sa'kin kaya nabitawan ko ang hawak kong phone. What the..

Mabilis akong napatingin sa nag mamay-ari ng lintik na bola na yon.

Isang batang lalaki na ngayon ay nakatitig saakin, pinag lalaroan nito ang mga kamay at kumikibot pa ang labi nito hudyat na malapit na siyang umiyak.

Pinulot ko ang cellphone ko na ngayon ay nakataob sa sahig.

"Tsk!" Palatak ko dahil nagka cracked ito sa gitna.

Tumingin ulit ako sa bata dahil bigla nalang itong umiyak.

Hala! asan ba ang nanay nito?

"Mama sorry po, hindi ko po sinasadya." Wika nito sa gitna ng pag iyak.

"Hey, come here."

Lumapit ito saakin, kinulong ko ito sa mga hita ko

"What's your name?"

"Andrie po mama."

Na mama pa nga, awit.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi nito.

"Andrie, listen. Next time don't play ball here, this is not a playground area okay?" Mahinahong turan ko sa bata.

Tumango tango naman ito.

"Okay po mama, Sorry po."

"You're a big man na, so stop crying na. Sino nalang ang poprotect sa kapatid mo kung umiiyak ka ng ganyan."

"I don't have a kapatid po." He pouted

Conyo pala to.

"Okay, sino nalang ang poprotect kay mommy mo sa mga bad guys."

Tumititig ito sakin, napakunot ang noo ko dahil parang familiar ang mga mata nito.

"Ikaw po mama, nandiyan naman po ikaw"

Anak ng, bakit ako? Bakit hindi ang tatay mo?

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa kanya.

"Sige, pero habang wala ako ikaw muna ang bahala kay mommy mo, okay ba Andrie?" Mabilis naman nag taas baba ang ulo nito.

Mabuti't mabilis itong kausap.

"By the way, Where is your mommy?" Tanong ko dito habang pinupulot ang bola niya.

"She's at tita ninang office po."

"Okay, tara ihahatid na kita roon."

Nakakailang hakbang na ako subalit hindi naman ito gumalaw sa pwesto niya.

"Hey, com'on."

"Karga po mama." Tinaas pa nito ang mga kamay niya.

Nalintikan na.

"Mama karga po." Pag ulit pa nito.

Nilapitan ko ito at kinarga tulad ng gusto niya.

Jusko ang bigat.

Pag dating namin sa office ng tita ninang niya, binaba ko na siya.

"Oh pasok kana." Yumuko ako at ginulo gulo pa ang buhok niya.

"Okay po."

Pero bago ito pumasok yumakap muna ito sakin at hinalikan ako sa pisngi. Ang bigat sa pakiramdam ko ay tila bigla nalamang gumaan dahil sa ginawa niya.

"Bye po mama." Pumasok na ito sa loob.

"Mommy."

Hindi ko na narinig pa kung ano man ang sinabi ng mommy nito dahil mabilis akong umalis.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon