Prologue

0 0 0
                                    

"Miss, kung gusto mong magpakamatay, hindi kita pipigilan. Pero sana tumigil ka na sa kaiiyak."

Bigla akong napalingon sa gilid nang biglang may nagsalita. Nakasuot lang siya ng hoodie at jogging pants. Pero hindi nakatakas sakin ang mukha niyang napakaamo. He is wearing simple clothes but I can sense that he's rich.

Naka eyeglasses din siya at may hawak na-- mga libro??!!!

"Miss naririnig mo ba ako?" Tanong niya.

I cleared my throat. Mukhang napansin niyang nalutang ako.

"Ahhhmmm---- T-tigi-l na po ako sa pag-iyak." Sabi ko na lang at pinunasan ang mga luha.

"Ayan, okay na po ba?" I innocently asked.

He just nodded after that and sat on the sidewalk of this bridge. Napakunot-noo ko tuloy siyang binalingan.

"Ahhmm-- Kuya? Dito lang po ba talaga kayo?" Nagtatakang tanong ko.

"Yeah." At tumango na lang ulit siya.

"Kuya? Kanina pa po ba kayo dito?" Tanong ko ulit.

"Oo, kanina pa ako dito. At kanina pa kita naririnig na umiiyak. As I said, if you want to jump, I won't stop you." At dun lang siya nag-angat ng tingin sakin.

"So, go do your thing."

'Harsh.' I mentally said.

Hindi ko alam pero natawa na lang ako sa sinabi niya. Napansin niya ata ang mahina kong pagtawa kaya tinignan niya ako ng nakakunot-noo.

"Hehe, sorry kuya. Nakakatawa kasi eh. First time kong makarinig ng words of encouragement galing sa taong nakakita ng taong magpapakamatay na." Sarcasm was evident in my voice.

He nodded again. 'Ano? Tango na lang ba talaga isasagot netong si Kuya.'

"I won't judge." He randomly said.

"Huh?"

"I said, I won't judge." Sabi niya habang nagbabasa pa din ng libro.

Nakaupo pa rin siya sa sidewalk ng tulay at ako naman nakatayo at nakasandal ang likod sa railings neto.

"Eh bakit mo po sinabing tumigil na ako sa pag-iyak?" Tanong ko. Concern ba tong si Kuya saken?

"Nakakaistorbo ka sa pagbabasa ko."

'Ay potek! Kala ko pa naman kung ano na! Hmpp!'

"Anyways, I have to go." Tumayo siya at tinignan ako.

I just nodded. Nawala tuloy sa utak ko lahat ng iniisip ko kanina.

'Di bale, marami pang araw Maeve. Makakasama mo na din sila.' Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa mga kalawakan.

"Smile more often"

Sigaw nung lalaki kanina kaya naman Binalingan ko na lang ulit siya ng tingin. Akala ko kasi umalis na siya.

"Ano?!" Sigaw ko pabalik kaso kumaway na lang siya at tumakbo na palayo.

'Weird.' I just shook my head but his words somewhat helped me not to think of those negative things.

Yeah, I think I should do that smile more often.

Gentle FlameWhere stories live. Discover now