🔥 1st Flame

0 0 0
                                    

"Tang ina! Dapat matagal na kitang nilabas sa bahay ampunan na yon eh!"

"Ang bango talaga ng katawan mo"

"Kuya!"

"Maawa po kayo"

"Tama na po"

"Aaahhhhhh-"

Bigla akong napaupo at habol hiningang hinihingal at hawak hawak ang dibdib ko. Napaniginipan ko na naman yon. Lagi na lang.

Kailan ba to titigil?

I badly want this to end. Please make my suffering end.

Pagkatapos ng gabing yon, gabi-gabi na akong binabangungot. Yung klase ng panaginip na lagi kang dadalhin sa bingit ng kamatayan.

I often ask myself everytime I wake up from that nightmare, will this ever stop?

I just sighed. Its useless asking a question that even I, myself cant answer.

I had to take multiple breaths after that. Thank God, I took those breathing exercises before.

Ever since that night happened, I haven't been able to sleep properly.

Palagi na lang akong binabangungot. Those nightmares that I have to fight every night.

'Kailan ba matatapos to?'

Ilang segundo pa akong nakatingin sa kisame ng mapagtanto kong hindi pa pala ako kumakain. Naramdaman ko na lamang ang gutom ng tumunog ang tiyan ko.

Bumaba ako sa kusina para kumain. Buti na lang may natira pang mga de lata dito. Dali-dali kong binuksan ang isa lata ng sardinas at nag-umpisa ng kumain.

Habang abala ako sa pagkain, biglang tumunog ang teleponong naiwan ko sa lamesa.

Without looking at who called, I answered it in an instant.

"Oh, kamusta na ang magaling kong anak?" Sabi ng nasa kabilang linya. Boses pa lang, alam ko na kung sino.

Marinig ko lang ang boses na yon, it would bring back lots of painful memories. All those moments that I had to beg just for her to believe me, but that didn't happen.

"Bakit po?" I just asked politely, kahit plastikan na lang.

"Nasan ka na naman nagpupunta?" She sarcastically asked.

"Nandito po ako sa bahay ng kaibigan ko." I lied.

I have to lie every time they ask me my whereabouts. Ayokong malaman nila kung nasan talaga ako because once they find me, ikukulong ulit nila ako.

Kahit ngayon, natatakot pa din ako sa kanila. Sana hindi nila ako mahanap. Yan na lang ang lagi kong dasal araw-araw.

Nakatakas lang naman ako kasi naabutan kong tulog ang mga gwardiya nung mga oras na yun at sakto namang lumabas silang dalawa ng mansyon

"Galing-galingan mo pang magtago, ah? Sa tingin mo ba, hindi ka namin mahahanap?"

Sigurado akong nakangisi na naman si Mama habang sinasabi ang mga to. Kinakabahan na ako dahil sa mga sinabi niya kaya mabilis kong pinatay ang tawag.

Pupunta na sana ako sa kwarto ko para mag-empake nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan.

Mas lalo akong kinabahan. Pano kung nandito na nga sila? Pano kung kunin na naman nila ako? Ayoko nang bumalik sa bahay na yon. But still, what if those are Papa's men? Are they here to get me back? San na naman nila ako dadal-

"Miss? May tao po ba?"

Gentle FlameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang