Chapter 08

48 4 0
                                    

[Fast forward]

1 week nang nakalipas nung nag Short Vacation, sobrang nag enjoy kaming lahat, lalo na yung mga bata; nasa office ako ngayon kasama sila Gemini, Uno, Aou, and Boom, may meeting kasi sa iba't ibang Department ng company, si Phuwin naman may ina-asikaso, kaya yung assistant nya lang ang pupunta, habang nag kwekwentuhan lang kami, biglang bumukas yung pintuan, nakita ko yung Assistant ko pumasok.

"Nandito na po si Mr. Ochiris" sabi Ohm Assistant ko

Ochiris? Don't tell me si Aungpao yung assistant ni Phuwin, pero bakit?

"Papasukin muna sya" utos ko

Tumanggo lang sya, at pinapasok na ni Ohm, si Mr Ochiris; at tama yung hula ko si Ex ang Assistant ni Phuwin; pero bakit hindi nya agad sinabi sakin na assistant nya pala yun; at alam nya naman yung past namin, at alam nya galit parin ako sa ginawa nya sakin at maka asta sya parang walang ginawa sakin ang kapal talaga ng mukha nya; at lagot talaga si Phuwin sakin; tumingin ako sa mga kasama at nagulat din sila First, Aou, Boom and Gemini; tumingin ako kay Gemini, nag smile sya sakin at hinawakan nya yung kamay ko.

"Good morning! I'm Aungpao Ochiris from Computer Engineering Department" pakilala nya, nakita ko inirapan sya ni Aou at First
"Umupo ka na" malamig kong sabi

Tumanggo lang sya at umupo

"Mr. Ochiris, I'm Gemini Norawit, the Head Department of Marketing and also the CEO" pakilala ni Gemini
"Fourth Nattawat the Head Department of Entrepreneurship and also the CEO" pakilala ko
"First Kanaphan the head department of Supply Chain and Logistics" pakilala ni Uno
"Aou Thanaboon the head department of Business Analytics" pakilala ni Aou
"Boom Tharatorn head department of Human Resource Management" pakilala ni Boom
"Nice to meet you all" sabi ni Aungpao
"Same Mr. Ochiris" sabi ni Uno

hindi ko na sya pinapansin; tumingin ako kay Gemini

"Ang gwapo mo palagi" sabi ni Gemini sabay pisil ng pisngi ko; nag smile sa kanya
"Ang random nyo" sabi ni Aou
"Nang lalambing lang eh" sabi ni Gemini
"Well get a room" sabi ni Boom
"Okey lang naman samin ang pagiging PDA nyo pero wag nyo naman pasobrahan kasi masakit sa mata" sabi ni Uno
"Inggit ka lang eh kasi wala dito yung asawa mo" sabi ko
"hindi ko asawa si Khao" pagdedeny ni Uno
"Okey sabi mo eh" sabi ni Boom
"Defensive naman ni Disney Printit" sabi ko
"Alam mo sana'y na ako sa pagiging PDA nyo, pero may ibang kasama po tayo" sabi ni Uno
"Oo nga pala hahahaha" sabi ko
"baka maging uncomfortable yung tao" sabi ni Aou

Napatingin ako kay Aou, at nag smile sa kanya, tinignan ko si Aungpao na tahimik lang; tumingin ulit ako kila Aou, maya maya biglang hinila ni Aou si boom palapit sa kanya.

"Mahal hindi mo sya naalala?" Takang tanong ni Boom
"Sino?" Takang tanong ni Aou
"Si Aungpao, Diba siya yung naka-away mo nung nasa resort pa tayo" Bulong ni Boom kay Aou; narinig ko yung usapan nila Boom kasi magkatabi lang kami ni Aou ng upuan
"What? Sya yung nakaaway mo?" Gulat na tanong ko kay Aou

kaya napatingin silang lahat sakin pati rin si Aungpao, tinignan ko sya ng masama kaya nag iwas sya nang tingin; so si Aungpao pala naka-away ni Aou, ang liit talaga ng mundo, at Assistant sya ni Phuwin, pero bakit sya pa? Ang daming nag a-apply bilang Assistant ni Phuwin bakit ang ex ko pa yung na hired.

Arrange Marriage (Gemini-Fourth)Where stories live. Discover now