Chapter 11

58 5 0
                                    

[Back to Present]

Fourth's POV

"So ayun nag agree kami ni Gemini sa Arrange Marriage" sabi ko sa kanila
"So okey lang sa inyo ang Arrange Marriage?" Tanong ni Uno
"Oo naman atsaka na pag usapan ulit namin ang bagay nato" sabi ko
"Napag usapan? What do you mean?" Tanong ni Aou
"Simula nung nalaman namin about sa Arrange Marriage, nag usap kami hindi muna namin itotopic ang kasal, hangga't hindi pa kami 18 years old" sabi ko
"Huh? Bakit?" Tanong ni Uno
"Yun yung usapan namin eh" sabi ko
"Ang weird nyo" sabi ni Aou
"Hahahaha. Hindi naman kasi kami nagmamadali, may tamang Panahon at oras naman kasi para dyan" sabi ko
"So 7 years kayo hindi nag usap about sa Arrange Marriage?" Tanong ni Uno; tumanggo lang ako
"Grabe, hindi nyo talaga na topic yun ulit? Kahit yung parents nyo?" Tanong ni Aou
"Oo atsaka alam naman nila yung usapan namin at hindi sila nagmamadali ikasal kami g dalawa, kaya hindi na sila nag bobother itanong tungkol sa kasal" sabi ko
"Bakit?" Takang tanong ni Uno
"Kasi puro paglalaro at pag aaral lang yung inaatupag namin sa panahon na yun at alam nila yung kasinduan namin ni Gemini, atsaka mga bata pa kami nun, kaya lang." pagputol nang sasabihin ko

[Flashback ulit]

Author's POV

1 year nakalipas nung nalaman nila Arrange Marriage sila Gemini at Fourth, mas lalo naging close silang dalawa, nag aaral sila nang mabuti at hindi na nila napag-usapan yung tungkol sa Arrange Marriage nila, kasi may kasunduan silang dalawa na 'hangga't hindi pa sila 18 years old, hindi muna nila pag usapan ang tungkol sa kasal' kaya simula nun hindi na sila nag usap about dun, ang ginagawa nilang dalawa maglaro at mag-aral ng mabuti, hanggang sa..

"Fot?" tawag ni Gemini

Magkasama silang dalawa sa Playground nila fourth

"Hmmm?" Sagot ni Fourth
"Aalis na kami" sabi ni Gemini
"Saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Fourth
"Babalik na kami sa Thailand" malungkot na sabi ni Gemini
"Huh? Bakit?" Takang tanong ni Fourth
"Dun na kami titira, dun na rin ako mag aaral" malungkot na sabi ni Gemini
"Iiwan mo ako?" Tanong ni Fourth
"Babalik din naman ako agad" sabi ni Gemini
"Ilan years ka dun?" Tanong ni Fourth
"Hindi ko pa alam, siguro 3 years or 4 years, dun ko tatapusin yung Grade 7 to Grade 10." sagot ni Gemini
"Ang tagal pa nun" malungkot na sabi ni Fourth
"Madali lang ang panahon Fot, atsaka every summer babalik ako dito para maglaro ulit tayo" sabi ni Gemini
"Promise?" Tanong ni Fourth
"Promise" sabi ni Gemini

Nag pinky promise silang dalawa at niyakap ni Gemini si Fourth; hindi nila namalayan umiiyak na pala silang dalawa

"Mamimiss kita" malungkot na sabi ni Fourth
"Mamimiss din Fot, Promise Babalikan kita, diba nga ikakasal pa tayo" malungkot na sabi ni Gemini
"Promise mo yan ahh Babalikan mo ako, at hihintayin kita" sabi ni Fourth

Nag yakapan ulit silang dalawa

"W-wag k-ka n-nang M-malungkot Fot, a-araw a-araw n-nman akong mag uupdate sayo, mag tatawagan naman tayo araw araw" sabi ni Gemini
"Talaga?" Tanong ni Fourth
"Oo naman, mag uusap parin naman tayo kahit malayo tayo sa isa't isa" sabi ni Gemini
"Kailan kayo aalis?" Tanong ni Fourth
"Pagkatapos ng Graduation natin" sabi ni Gemini
"Malapit na pala, may One Month na lang tayo para magkasama" malungkot na sabi ni Fourth
"Matagal pa Fourth, wag mong iisipin, basta ang importante magkasama tayo araw araw" sabi ni Gemini
"Pero aalis ka parin" sabi ni Fourth
"Babalik naman ako eh, Wag ka nang malungkot, susulitin na lang natin ang oras na magkasama tayo" sabi ni Gemini
"Sabi mo yan ahh" sabi ni Gemini

Arrange Marriage (Gemini-Fourth)Where stories live. Discover now