Chapter 11: Greek Territory

182 13 2
                                    

PARIS CANVER'S Point of View

A breeze of morning air hits me in the face the moment I step out in the open. Tumingala ako para salubungin ang kalangitan, ngunit agad akong napapikit dahil sa malakas na sinag ng hangin.

I look down, my eyes set on the foreign land before us. Greece, the home of the Greek gods.

Hindi ko maiwasang mamangha na nandito na kami. Beyond the horizons, among the numerous mountains under the veil of mist, is Mt. Olympus. Kahit na alam kong malayo pa rin ito sa akin ay tila nararamdaman ko na ang presensiya nila.

This is the closest I've been to my own mother since I was claimed. Ito na siguro ang huling pagkakataon ko na makalapit sa kaniya ng ganito, because she never cared enough to think about her children in Acropolis.

"Paris! Let's go!" Napunta ang atensyon ko kay River nang tawagin niya ako. Kasama na niya si Alec na busy tumingin sa kaniyang antikythera mechanism.

Mabilis akong lumapit sa dalawa. Naglakad lang kami sa harapan ng airport, iniiwasan ang mga taong hinahanap ang kanilang sundo o kaya ay kayakap ang mga mahal nila sa buhay pagkatapos itong iwan ng matagal na panahon.

Hindi rin nagtagal ang atensyon ko sakanila dahil narinig ko ang tawag ng ilang taxi na naghahanap ng costumer. We walk along the path, enjoying the breeze amidst the cheerful chatter in the background, waiting for someone to say something.

Bakit nga ba hindi pa kami umaalis? Kailangan pa naming hanapin si Kasdeya!

As much as I enjoy the beautiful and unfamiliar view, pinagmadali ko na ang mga kasama ko. We don't have a lot of time, maaaring tapos na ang mission ni Kasdeya at huli na kami, or worse, mapapansin ng Acropolis na nawawala kaming tatlo.

It won't take long for them to figure out where we are. Malalagot kami kay Commander... lalo na kay Theon.

"Bilisan na natin. First, we have to know where Kas is without raising suspicion about where we are." Saad ko sa dalawa habang naglalakad. "Kaya hindi rin dapat malaman nina Dwayne na nandito ta—"

"Nasa Delphi raw sina Kasdeya."

Parehas kaming napatingin ni River kay Alec nang bigla itong magsalita. He's pocketing the mechanism on his pants before looking at us.

Kumunot ang noo ko. "Pa'no mo nalaman?"

Agad agad? Hindi pa man natatapos ang sinasabi ko. I know he's the son of a messenger god but not even Hermes could've known something so quickly and tell us right after.

He smiles. "Tinanong ko si Dwayne. Gusto raw pumunta ni Kadeya sa Delphi kaya andon sila ngayon."

My jaw drops. Si River ay natawa na lamang. "Kakasabi ko lang na hindi nila dapat malaman! Paano kung sinumbong tayo no'n sa Acropolis?"

"He won't." He gestures dismissively. "Noon pa namin 'to napag-usapan ni Dwayne. Alam niyang susunod tayo, at sigurado akong hindi siya magsasabi sa iba tungkol rito."

You've got to be kidding me.

"Bakit hindi mo sinabi sa'min?" River playfully hits him on she shoulder, but I'm pretty sure it's still painful because Alec winced in pain. Parang bakal ang kamay ng isang 'yan eh. I also would've done worse than just a pat on the shoulder.

He shrugs. "Nakalimutan ko."

"Nakalimutan?" Malakas kong pag-uulit na nakakuha ng atensyon ng ibang tao. "Anak ka ni Hermes but you, of all people, forgot to tell us a simple message—"

"Calm down, Paris." Putol ni River. "It's not that deep. Besides, napadali lang ang trabaho natin. Hindi na natin kailangan hanapin si Kasdeya sa buong Greece."

The Eternal in AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon