02

0 0 0
                                    

Trigger Warning: Misoginist and homophobic remarks. Mention of BDSM and Sexual Abuse.


"A day in the life of an..." rinig na rinig sa buong parking ang boses ng video na pinapanood ko.

I was about to enter my first class and I thought of buying a coffee first, in the hot afternoon. It actually became my ritual to buy food before going to class, mabilis kasi akong mawalan ng gana and the profs don't mind if kumakain ka sa class nila. Hence, the everyday coffee and donut.

"Yvette!" halos murahin ko ko si Dale dahil sa lakas ng boses niya.

Gago talaga, tanghaling tapat nagagawa pa ring mang-asar. I really don't like my first name, hindi bagay sa katulad kong babaero.

"Don't piss me off, papasok palang ako sa klase," I said at tumawa siya.

"Anong nakakaasar do'n? It's your name, V," sumimangot ako sa sinabi niya.

"You know that it doesn't suit me right? Para kayong si Mommy ayan ang tawag sa akin sa bahay. Nakakainis,"

Her laugh became worse because of what I said. Pumasok kami sa cafe, mukhang balak magkape ng isang 'to. Puyat?

"Kaya pala madalang kang umuwi, madalas tuloy ako tawagan ni Tita. I feel like ako ang anak niya, dahil do'n," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I turn to her and said, "Kailan ka tinawagan ni Mom?"

Matagal siyang tumigin sa taas at nakapalumbabang nag-isip, "I think the last time she called was on Friday,"

What? She said na mawawalan ng signal sa bahay last week kaya hindi muna siya tatawag. Ayaw ba akong kausap ng nanay ko? Fuck nakakatampo naman, matawagan nga 'yon at papagalitan ko.

Hindi ko nalang pinansin si Dale at sinabi ang order sa cashier when it's already my turn.

"Is that all po?" tanong ng cashier, tatango na sana ako when Dale popped out of nowhere.

"Isang biscoff donut then and chocolate donut, tapos medium Iced Macchiato. Take out din," kumunot ang noo ko.

"Mamaya ka pa o-order ng sa 'yo, Dale," i said and she looks confused. 

"Huh? Ililibre mo ako gaga." lumakad siya papunta sa upuan pagkatapos sabihin yon. Tanginang 'to.

I just confirmed my order to the cashier and walk to Dale who even raise her hand, akala mo hindi ko nakita ang pagpunta niya sa upuan kanina.

"Akala ko may pera ka," galit kong sabi sa kan'ya.

"Oo naman, ano tingin mo sa akin? Mahal ako ng tatay ko 'no," sinabi niya sa akin kaya napahilot ako sa sentido ko.

"Then why did you say na ililibre kita?" I ask frustratedly. Nagtitipid 'yung tao, kasi hindi natatawagan ng magulang. Walang tawag, means walang allowance.

Then, I remembered if I did something bad to Mom at bigla niyang naisip na hindi ako tatawagan. Hindi naman sa wala na akong pera, madaming laman ang banko ko, pero ayoko kasing galawin muna 'yon dahil baka masobrahan na naman ako kapag nakit ko ang amount ng pera ko. Pero mukhang kailangan ko munang doon kumuha, lalo na kapag hindi ako sinagot ni Mom later kapag tinawagan ko siya.

"Kasi mas masarap ang pagkain kapag libre," her only reason.

I raise my hand wanting to slap her, she crosses her hands to shield herself while laughing.

"Wala na akong pera. I need to be matipid," I said and she laughed again. Seriously why is she always laughing at me, it's annoying. Nagmumukha akong clown sa kan'ya, bwisit na 'to.

Darkness behind Hue | Querencia Series #1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora