When Santori falls in love

0 0 0
                                    

Tinanggap ko ba?
Hindi ako santo para tanggap lang ng tanggap kahit hindi alam kung saan ang patutunguhan.
If Zaori's feelings started nung hinawakan niya ako. Sa akin naman ay noong pinakita niya sa akin ang mga silly sides niya during our practices together.
Pero humanga na ako sa kaniya sa paraan na walang malisya. Sabi niya ay siya lang ang inaaway ko. Alam naman niya 'to eh. Alam niya na siya lang ang inaaway ko dahil sa kaniya ko lang nalalabas ang tunay na ako.
Everyone expects me to be kind, to be gentle, and a huge flirt. Pero ang ganda lang pakinggan galing sa iba na kapag si Zao raw ang kaharap ko ay nagiging iba ako.

Wild, hot-blooded, at palamura. Halos masira nga namin yung glass sa bintana dahil sa pagtapon namin ng lampaso sa isa't isa. But you know? We were laughing. Kaya napaiyak namin yung president noon eh.

"Gago ka Lei kasalanan mo kung bakit parang biik si Mica kanina!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa sinabi niya pero sabay din kaming humalakhak. Ang bibig talaga ng monggoloid oh!

"Napansin mo rin pala?" halos hindi na siya makahinga sa tugon ko kaya pinatahimik ko siya pero wala talaga. Parehas kaming baliw eh.

Doon ko narealize na tinuring ko na rin pala siyang kaibigan.

Sa tuwing may activity na by pair ay automatic na talaga na lalapit siya sa upuan ko at itatanong na, "Nu gagawen natin?"

Sinagot ko naman na, "pair ba tayo?"

"Ah gege ayaw mo na pala sa'kin."

Those simple interactions are special na pala para sa kaniya. Hindi ko alam na unti-unti na rin naging espesyal ang lahat para sa'kin.

Naging malinaw sa akin na iba na talaga nung PE time namin. Hawak niya ang mga arnis sticks nang bigla niyang kagatin ang isa at inangat ang kamay na para bang hinihingi yung akin. Halos mandiri ako sa kaniya.

"Puta diba nahulog yan sa kulungan ng baboy?!"

Hindi siya nakinig kaya binigay ko nalang yung isa kong stick. Ayon, feel naman niya na siya si Roronoa Zoro ng One Piece. Dun lang siguro sa part na parehas silang hindi naliligo. Lalo na pag walang klase.

Pero alam mo? Sa kabila ng pagiging dugyot niya ay naranasan ko pa rin yung sinasabi nila na, 'at tumigil ang pag-ikot ng mundo' nang huminto siya sa pagwagayway ng stick. Tapos napatawa ako dahil tumama ito sa tuktok ng ulo niya.

Mukha kasi siyang tanga dun. Palagi naman.

Natigil ako sa pagtawa dahil biglang tumahimik ang paligid. Hindi ako nakapagsalita nung nakatitig na siya sa akin. Walang nagsalita sa aming dalawa, at parang huminto ang lahat ng bagay nang ngumiti siya sa'kin sa paraang hindi ko pa nakitang ginawa niya sa ilang buwan na pagsasama namin.

Here goes the cliché description of tumalon ang puso ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"H-Ha?"

Yan lang talaga ang nasabi ko sa kaniya noon at sinuklian din niya ng, "Eh?"

Natatawa nalang talaga ako kapag naiisip pa yun. Para kaming mga timang. Well, teenagers nga naman.

Kaso lang, napapansin kong umiiwas na siya sa'kin. May bangayan pero hindi na masyado. Parang bumalik kami sa dati na parang wala lang.

Alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam ko kung bakit sa tuwing nakikita ko na siya noon ay tumatalon ang puso ko o nanlalamig ang mga kamay.

I acknowledged my feelings para sa kaniya. Kahit na lalaki siya, alam ko naman na walang mali sa nararamdaman ko. Pero natanong ko sa sarili na... bakit siya?

Yun ang hindi ko matanggap noon.

Bakit ang lalaking hindi naliligo ang hinahanap ng mga mata ko?
Bakit ang lalaking walang taste of fashion ang gusto kong tingnan buong araw?
Bakit ang lalaking natutulog kahit sa banyo ang gusto kong ligawan?

I have delusions before kung paano ko siya i-approach kapag magcoconfess ako, o how he would react sa sasabihin ko.

But I never accepted na siya na ang gusto ko.

Kaya nung umiwas siya ay hinayaan ko na rin. Hanggang tingin nalang kung malapit kami sa isa't isa. Tahimik nalang kapag nagpapractice kami ng arnis.

Nawala lahat ng pagsasama namin. At narealize ko na ayaw ko. Masaya siyang kasama. Yung tipong mapupunit na yung labi ko sa kakatawa.

Kaya lumapit ako sa kaniya. Kaso nga lang nadismaya ako sa sagot niya.

Magkaaway daw kami. Noon yun diba? Pero para kasing ayaw niyang lapitan ko siya. Naghanda pa naman ako ng paborito niya.

Binigay ko pa rin.

Sa mga lumipas na araw ay napapansin kong tumitingin siya sa akin. Sa flag ceremony, sa class discussion, o sa school programs.

Gusto kong lumapit at kausapin siya. Pero... sinabi ko rin sa sarili na okay na. Baka kasi mas lumalala pa 'tong nararamdaman ko.

Hindi ko pa rin kasi matanggap na siya talaga. Nasi Zaori talaga ang nais kong bigyan ng pagkain araw-araw. Parang nawala yung mga hilig ko sa babae at nabaling lahat sa kaniya.

My addiction for girls seems became a façade para matakpan ang totoong ako. Ang totoong gusto ko.

But my façade ended nung cinonfront ako ni Vivi. May program nang mga panahon na yun at nahuli niya akong nakatitig kay Zao habang kumakausap ng babae.

She excused me away from her kaya hindi ako nakapagsalita. Pero pumayag pa rin ako.

"Maging totoo ka na sa sarili mo, Santori. Nakita kita kanina," sabi niya sa'kin at legit yung bigla ko sa biglaan niyang pagsabi ng mga katagang yun. "Sorry kung sa ganitong paraan ko 'to sinabi pero kasi..."

Umiling siya sa sarili at iniwan ako sa ere. I honestly felt so dumb at that time. Pero natatawa nalang ako ngayon dahil months after sa pangyayaring yon ay lumapit si Zaori sa akin at sinabing,

"Mahal na ata kita, Vobiosa Santori Lei."

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong pagkain para sa kaniya at naiiyak na ako sa harapan niya.

Sa haba ng mga panahon na inoverthink ko kung ano ang mararamdaman niya kung malaman niya na gusto ko siya. Ito siya at mahal na ako.

"Zaori..."

"Alam ko. Alam ko, Lei."

Ngumiti ako sa kaniya habang nilahad sa kaniya ang pagkain. Humagikhik lang siya at tinanggap ito.

I thought that time na, I missed our bond together. Kahit puro karantaduhan. Ang saya namin.

Pero pagkatapos ng confession niya sa'kin. Nasabi kong fan talaga siya ni Roronoa Zoro, dahil...

Nothing happened.

All of the girls you loved beforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon