#3

0 0 0
                                    

Lei, ang english nga pala ng selos ay jalosi.

Hindi na ako si Zaori. Ako na si Jalosi.

Iniisip mo na nagjojoke ako, pero di eh.

Unang araw mo palang nakita si Maam Rob parang siya na jojowain mo.

Sabi mo sa'kin, "Ganda niya pre." Aba! Pre na pala ako pagdating niya ah?

Sumagot lang ako na, "Sige pre sa kaniya ka nalang." Tumawa ka lang sabay halik sa pisngi ko. Tayo pa kasing dalawa sa room habang nakatalikod siya sa'tin. Di natin alam na alam niya pala ang kalapastangan na ginawa mo sa'kin

Kalapastangan na gusto kong gawin mo saken everyday. Hehe.

Speaking of kalapastangan, naalala ko nung pinagtanggol ka niya sa mga classmates natin sa TVL na minumura ka dahil magjowa tayo. Tangina kung nandun lang sana ako knockdown silang lahat sa'kin eh.

Sorry na kung nakipaglaro lang ako ng Charlie-Charlie nun sa grade 3. Binigyan mo kasi ng bracelet si Maam nun. Di ko alam na itinuring mo na pala siyang ikalawang magulang mo.

Nakita ko kung pano ka umiyak sa office niya, at kung pano ka niya dinaluhan. Sabi niya pa sa'yo na, "huwag kang masyadong makinig sa iba, Mr. Vobiosa. Malaya tayong mahalin kung sino ang gusto nating mahalin. Alam mo naman ang ibig kong sabihin, diba?"

Ngumiti ka sa kaniya at sumagot, "Alam ko naman ho yun, maam. Hindi ko lang gusto na ituring nila si Zao na para bang mali na siya ang pinili ko. Ano naman kung lalaki kami pareho? Mali ba talaga ang relasyon naming dalawa, Ms. Rob?"

"Hindi." Tinapik ka niya sa balikat. Gusto kong pumasok nun para tabihan ka, pero ayaw ko naman maging joiners lalo na't guro yung kausap mo. "Walang mali sa inyo, Santori. Mas mali na isipin mo na mali kayong dalawa. Dahil malakas lang manghusga ang mga tao pero wala naman silang basehan kung ano ba talaga ang sinasabi nila."

"Pano naman ho yung mga alagad ni Lord maam?" Wala na. Di na napigilan ng bibig ko.

Tumingin kayong dalawa sa'kin habang tumayo ka para tabihan ako.

"Alagad ni Lord?"

"Masusunog raw ho sa impyerno ang mga bakla."

Tumawa lang siya ng malakas na napatingin tayo sa isa't isa.

"Hindi lang mga bakla, Zaori." Kumindat siya sa'tin, at nakita ko ang ginhawa sa 'yong mga mata. Kumalma na rin ako. "Pati yung mga humuhusga sa kapwa tao kahit hindi naman dapat. Sila ang masusunog."

Nagpapasalamat ako kay maam sa mga sinabi niya dahil simula nun ay hindi ka na takot na hawakan ang kamay ko sa harap nilang lahat. Hindi ka na takot na yakapin ako mula sa likuran kapag naghihintay tayo sa labas ng waiting shed kung saan nakatingin silang lahat sa'tin.

Wala ka ng pake sa ebas nilang lahat, at mas lalo kitang minahal mula noon hanggang ngayon na nirerecord ko 'tong long message ko para sa'yo.

Kaso lang, may mga panahon nung malapit na ang graduation natin. Naisip ko talagang makipaghiwalay sa'yo dahil napapansin kong ang sama na ng tingin sa'kin ni Kuys. Takot ako na baka hindi na niya ako bibigyan ng scholarship pag-college ko.

Pero ayaw kong mawala ang laki ng 'yong tawa. Ayaw kong mawala ang saya sa mga mata mo sa tuwing nagkikita tayo sa hallway. Gusto ko na masaya lang tayo. Gusto ko na ikaw na talaga yung taong pakakasalan ko at makakasama ko hanggang sa pagtanda natin.

Masyado akong sigurado sa'yo, Santori Lei na hiningi ko ang kapal ng mukha ni Luffy sa tuwing makakakita siya ng meat. Pag-uwi ko nun galing sa eskwela ay nakita ko si Kuys na nagkakatay ng manok. Alam mo yung ginawa ko? Nasabi ko na'to sayo noon eh.

Pero sasabihin ko pa rin, hehe.

Lumapit ako sa kaniya at tinanong na, "Aba, sarap hapunan natin ah." Tumango lang siya kaya nagpatuloy nalang ako. "Nga pala, masarap pag si Santori Lei Vobiosa ang magluto niyan." Napahinto pa siya sa paglinis ng dugo pero bumalik din sa trabaho niya. "Kilala mo siya? Jowa ko yun simula pa nung grade 9."

Gago Lei! Nanginginig na tuhod ko nun habang taas noong sumandal sa pintuan. Diba? Mahal na mahal talaga kita!

Sasabog na pantog ko nun sa kaba. Ang tahimik niya pagkatapos kong sabihin yun tapos bigla nalang tumawa ng malakas. Tangina. Alam naman pala niya dahil narinig pala ni Manong Zofronio yung away natin sa likod ng bahay niyo tapos sinabi sa kaniya.

Binabackstab na pala tayo ng mga tatay natin. Lakas amats din sila no?

Pero maswerte tayo sa kanila dahil hindi nila tayo hinusgahan. Hindi nila tayo pinalayo sa isa't isa. Sabay pa nga tayong pinag-enroll sa paaralan dito sa Centro. Ayun, hanggang ngayon tayo pa rin.

Ang layo na pala ng narating natin no? Akalain mo ang sama ng impression ko sa'yo nun pero dadating din pala ako sa punto kung saan mamahalin kita na higit pa sa milyong porsyento.

Kinilig ka naman, haha-

"Uy susubuan ka raw ni Hazel sa luto niya, Zao!"

"Tanginang gago kayo kita niyo naman may fiance na'ko puta!"

"Oh chill ka lang-"

Lei oh pinagpipilitan na naman nila ako sa ka workmate ko. Gago ikaw lang gusto ko. Manigas silang lahat!

Kahit na sa'n man ako dalhin ng panahon. Kahit na hindi angkop sa iba na ikaw ang minamahal ko.

Gago ba sila't nangingialam? 

Wag kang mabahala, I love you ka pa rin saken. 

All of the girls you loved beforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon