Prologo

12 2 0
                                    

"Ama? Saan tayo pupunta." Tinignan ko lang ang paligid ko na puno ng dumi at karamihan ay napag isipang linisan upang maging malinis ang kapaligiran. Lumakad muna kami habang may hinihintay na kalesa na darating.

"Sa bahay nila doña, marinda wag kang mag alala, siya lang naman kasama mo." Hindi nako nag salita at patuloy lang sa pag lakad.

Bumili si ama ng dyaryo at binasa ito habang nag lalakad kami, sumakay kami ng kalesa para pumatungo sa bahay nina dona. Maaga kami nagising dahil pupuntahan pa ni ama ang matalik niyang kaibigan na si heneral Federico Arroyo y Lopez o mas kilalang rico sa palayaw niyang pangalan noon.

Pupuntahan namin siya ngayon kahit na may trabaho siya dahil naiwan niya ang isang liham kaya dinala ko to para ibigay sakanya.

Matagal na daw sila mag kaibigan ni ama. nandito na kami sa tapat ng bahay ni dona at pumasok kami, umupo kami ni ama at hinintay si dona na dumating.

Ilang oras lang ay may narinig kaming may nag tatawag ng pangalan namin ni ama,"Hola, buenos dias!" Pag babati ni doña samin sa halip na filipino ang gamitin pero espanyol.

"Mi niña, cómo estás?" Naintindihan ko naman si dona dahil nga may lahi akong kastila.

"Estoy bien doña." Sagot ko. Ngumiti ito at niyakap ako.

"Saan ka pala pumunta binibini doña?" Tanung ni ama kay doña, humiwalay siya sakin para kausapin si ama.

"Sa isang bilihan ng dyaryo sa kanto, bumili ako ng papel para sa kasintahan ko na di ko na nakakausap hanggang ngayon, kaya papadalhan ko siya ng liham." Pag papaliwanag niya.

"Doña, nasaan siya ngayon?" Tanung ko bigla sakaniya. Ang alam ko mag kakaibigan sila ama,doña at hen.federico.

"Nasa ibang bayan siya tumira pero sana maalala niya pa ko pag umuwi siya dito sa san angelito."

"Uuwi yun doña, wag kang mag-alala, kakaalis niya lang daw ng sa bayan na pinuntahan niya baka mamaya nandito na yun." Pagpapaliwanag ni ama kay doña.

"Sobra na ang pag aalala ko sakaniya, baka layuan niya na ako." Lumapit kami sakaniya at niyakap siya muli. Umuwi na kami ni ama dahil gabihin pa kami kaya sumakay kami uli ng kalesa pauwi samin.

"Ama, mag kasintahan po ba si doña at heneral federico?" Tanung ko sakaniya kaya napatigil ito sa pag babasa ng dyrayo at binaba niya.

"Matagal na marinda, noon pa man, pero i kwento ko sayo ang buong storya ng buhay naming tatlo nina doña at federico." Ngumiti siya ng labis at binalik ang atensyon sa dyaryo na hawak niya. May sayawan din tuwing sasapit ang takipsilim.

Tahimik na nag mamaneho ang kalesa, maya maya ay natanaw ko ang bahay namin kaya bumaba na kami sa tapat at una na kong pumasok, pag pasok ko...parang nag blanko ang isipan ko.

Heneral federico?

"Hola amigos amigas!" Bati nito, agad naman sumulpot si ama sa likuran ko at laking gulat rin siya sa nakita niya.

"Federico? Ano ginagawa mo dito?" Tanung ni ama kay heneral federico.

"Ahh ginoo felipe, muli tayong nag kita aking matalik na kaibigan." Lumapit siya kay ama at niyakap ito. Kita ko ang porma ni heneral federico naka sombrero rin siya at long sleeve ang suot nito.

"Si doña? nasan?" Tanung ni heneral federico pero biglang umiba ang mukha ni ama kaya pinilit niyang maging ipakita ang masaya niyang mukha.

"Nasa bahay nila, puntahan mo nalang." Humiwalay ng yakap si heneral federico kay ama saka nilipat ang tingin sakin.

"Ito na ba ang anak mo felipe?" Sabay tumingin si ama sakin at nilipat ang tingin kay heneral federico.

"Malaki na siya." Sabi ni ama.

"Kumusta, inaanak ko." Bati sakin ni heneral federico.

"Ayus lang po ako heneral federico, kayo po?" Tanung ko din.

"Hindi naging maganda ang araw ko nung lumipat ako ng bayan kaysa dito sa san angelito." Malungkot na sabi ni heneral federico pero nag pilit siya ng ngiti.

"Ayus lang po yan," Binigyan ko siya ng tapik sa ulo, pumantay siya para mag ka pantay kami.

Mukang bata pa nga si ama at heneral federico, hindi tumatanda sabi sa lahi daw kahit na ako. Pero ang alam ko nasa 30s na siguro ang edad nila kahit na si doña.

"O siya, puntahan ko muna ang aking kasintahan." Ngumiti siya samin bago siya nawala sa paningin namin.

"Ama, bakit ganyan po ang mukha niyo? May problema po ba?" Tanung ko kay ama pero ningitian ako saka umakyat sa taas para matulog na. Naiwan ako mag isa dito sa baba kaya pinatay ko na ang ilaw dito pati na rin sa hapag kainan, kita ko ang ilaw sa labas ng bayan namin, nasa pinaka rurok ako ng bahay namin kaya kitang kita ko ang kagandahan ng mga ilaw dito sa taas, para akong nasa syudad pero sa syudad marami nga lang ng gusali at ang trapiko pa ng daanan ng mga sasakyan.

Hindi muna ako natulog dahil tumingin muna ako sa itaas ng kalangitan, sobrang na miss ko na si ina, kung saan lumaki na ko siya'y namatay. Maging ama at ako nalang ang natitira, pano kung namatay rin si ama? Pano na ko? Sino babantay sakin?

Tanging muni muni lang ginawa ko habang naka tingin sa kalangitan, Iniisip ko nalang na nandito siya at kasama namin siya ngayon, kung buhay nga lang.
    
                   Dito nag tatapos...

Marahuyo:Ang nobela (ᜋᜇᜑᜓᜌᜓ) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt