Kabanata 3: Ang nobela

2 0 0
                                    

Ang pananaw ni marinda

Nanatili akong naka tingin sa kalangitan dahil di ko namalayan ang oras kanina dahil natulog ako ng alas dose at pag gising ko ay hating gabi na, grabe ang bilis lang nang oras."Bakit gising ka pa?" Napalingon ako nang makita si primo nakaupo sa kama niya.

"Hindi pa ako inaatok." Palusot ko pero ang totoo inaatok na talaga ako, ayaw ko lang maulit ang panaginip kanina parang may trauma ko dahil sa nangyari dun.

"Bawal kang mag puyat sabi ni ama, nakakasira yan ng iyong kalusugan." Sabi niya na may halong pagbabanta. Hindi naman ako natakot sakaniya kaya pinag patuloy ko lang ang pagtingin sa mga bituin na kumikinang kina."ako rin, dito muna ako sa tabi mo, papa-antok ako." Paalam ako at pumayag naman ako.

Mag katabi kami ngayon habang tumitingin sa mga bituin sa itaas ng kalangitan nang bigla akong may naisip na laro dahil kaninang alas dose tinanong ko siya kaya pumayag siya na alukin kung lumaro."Primo, laro tayo." Alok ko sakaniya.

"Anong laro?" Sagot niya.

"Katotohanan o hamon." Sabi ko.

"Ako mauuna."sabi niya at sinimulan ko rin makinig.

Nakaupo kaming mag katapat at huminga ako nang malalim,"Eto ang una kong kwestyun." Nakinig ako ng mabuti sa sasabihin niya,"Katotohanan o hamon?" Ano ba? Katotohana o kaya hamon? Bahala na!

"Katotohanan." Maikli kong sagot.

"May nagugustuhan ka bang ginoo dito sa bayan natin?" Grabeng tanong naman yan, pwede ibang laro nalang baka kung ano ano pa ang tatanungin nito.

"Wala." Mabilis kong sagot.

"Ang totoo? Diba pinili mo katotohanan kaya ang totoo dapat bawal madaya." Napakamot ako sa ulo at di alam ang susunod na sasabihin.

"Ako naman."

"Katotohanan o hamon?"

"Katotohanan." Tipid na sagot niya.

"May nagugustuhan ka din bang binibini rito sa bayan o kaya sa ibang lugar?" Pang-aasar ko sakaniya. Hindi naman siya kaagad sumagot parang nag iisip pa nga.

"Kagaya ng iyong sagot, wala." Mabilis niyang sagot.

"Ehh...binata kana tapos wala ka pang nagugustuhan dyang binibini, karamihan kaya sakanila maganda." Pang-aasar ko uli kaya nataranta naman siya sa sinabi ko.

"Tumigil kana, kahit na binata na ko hinding hindi ako mag kakagusto kahit kanino kahit sino pa man, maganda man yan wala kong pakialam." Mayabang niyang sabi.

"Tsk, tawag dyan sa mga ginoo ay adik." Parinig ko na parang napapatamaan siya.

"So adik pala kaming mga ginoo?" Ako naman tong nataranta.

"Hindi lahat, yung iba lang." Nag pilit ako ng ngiti para di halata sakaniya.

Matapos ang laro, nakaramdam ako ng antok ng biglang mag salita si primo,"Ayus na ba pakiramdam mo? Wala na bang takot?Kaba?" Sa totoo lang, andito pa rin ang sakit at takot, hindi ko lang mailabas nang may lakas loob.

"Marinda, sagutin mo naman ako, ayus ka na ba?" Napatingin ako sakaniya.

"Primo, alam mo namang may trauma ako dahil dun sa nakakagimbal na panaginip meron ako, bakit kailangan mo pang itanong? Syempre andito pa rin, hindi lang basta basta kusa aalis." At dahil dun nakaramdam ako ng sakit sa baga ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marahuyo:Ang nobela (ᜋᜇᜑᜓᜌᜓ) Where stories live. Discover now