Kabanata 1: Si Marcela Clarinda

4 0 0
                                    

Ang pananaw ni marinda

Ako nga pala si marcela clarinda inocencia y Delos reyes, o mas kilalang marinda sa bayan ng san angelito, ako ay masunurin,mahusay,talentado, at nag iisang anak ng mayamang naka pag aral sa europa.

Hindi man ako sikat,o kaya mas lubhang kilala sa ibang lugar pero alam nila na anak ako ng mayaman, ako ay pinanganak ng nobyembre 15, 1883, kung saan pinanganak rin ang kamag anak ko na si primo inocencia y graciano, mas magulang sakin ng isang taon dahil 1882 siya pinanganak.

Si primo ay matalik kong pinsan at anak ni doña maria inocencia ay kapatid ni ina ko. Sila ay may manga lahing espanyol dahil sa pananakop dito sa pilipinas ng ilang taon.

Nag tagal ng mahigit ilang taon, wala na kong maisabi pa, wag ko na pala pag isipin ang nakaraan na nangyari, maging si ina, habang nakatingin ako ng matagal sa kalangitan ay napag isipan ko na bumaba na at pumasok na sa kwarto ko.

Binuksan ko muna ang ilaw at binuksan ang bintana para masdan ang magandang bayan, ilang oras may nakita akong kumakaway sa tapat ng bahay namin, napababa ako ng tingin kung sino.

"Bumaba ka muna dyan, may sasabihin ako." Namalayan ko na si primo pala, dahan dahan ako bumaba at binuksan ang pinto.

"Ano sasabihin mo? Tsaka bakit ka andito gabi na diba." Pakiusap ko sakaniya.

"Diba kilala mo ang kasintahan ni doña?" Tanung niya na ikinagulat ko.

"Bakit mo yan tinatanong? Si heneral federico ang kasintahan nun." Sagot ko.

"Bakit mo pala tinanong? Sumagot ka." Pagbabanta ko sakaniya.

"Hindi, curious lang ako, kasi kanina si heneral federico ay pumunta sa bahay namin tapos tinanong ako kung nasan si doña ehh hindi ko naman sinagot kasi alam ko wala naman si doña sa bahay nila." Pag papaliwanag niya.

"Curious ka dahil dun? Ehh bakit nga!" Biglang tinakip ni primo ang bibig ko at di ko namalayan na hating gabi na pala, bakit kasi nag ingay pa ko sa ganitong oras. Baka magising ko si ama.

"Pwede ba, baka magising si ama mo, ikaw bakit di kapa tulog?" Pag aalala ni primo. Medyo naawa rin ako sakaniya, bakit di pa ako tulog sa ganitong oras.

Dahil lang ba sa pag alala? Sa pag iisip? Hindi ko na rin alam kung bakit ko palagi toh tinatanong sa isipan ko. Umiling ako at bumalik sa reyalidad."Hindi pa ako imaantok, ehh ikaw inaantok na ba?" Tanung ko kay primo.

"Nagtataka nga ako kung bakit di ka pa natutulog, hating gabi na diba." Oo nga noh? Ehh paano yan busy ako tumingin sa kalangitan, kahit na may problema, kahit na mahirap, kahit na nag sasakripisyo, ipaglalaban ko pa rin at kay ama.

"Alam ko naman, nakita ko nga ikaw tumitingin rin sa kalangitan." Sabi ko.

"Alam mo, wala si ama sa kwarto niya, alam mo kung nasan?" Tanung niya na ipinagtaka ko.

Pinag sasabi niya??

"Huh? Hindi kita maintindihan?"

"Tumalikod ka." Sinunod ko ang sinabi niya at nagulat ako ng makita si ama naka tayo at naka sandal sa pader. Kala ko ba tulog kana!

"Ama, di ko–" Napatigil ako.

"Marcela Clarinda, hindi ko kailangan ng paliwanag mo, tama nga si primo bakit di ka pa tulog? Alam mo naman bawal mag puyat nakakasira yun ng kalusugan." Napayuko ako sa hiya at tinignan ng masama si primo, pupunta lang dito para isumbong ako kay ama, hindi tatambay, ano siya adik?

Marahuyo:Ang nobela (ᜋᜇᜑᜓᜌᜓ) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt