LESSON 01: First Day

218 19 9
                                    



PINAGMASDAN ni Brittany ang usok na ibinuga niya sa hangin hanggang sa unti-unti iyong naglaho. Muli niyang inilagay sa bibig ang vape at humigop. Tatlong araw na siyang wala sa sarili at kinakabahan kaya ang vape ang takbuhan niya kapag may ganoon siyang nararamdaman. Bawal ang mag-smoke sa kagaya niya na ang edad ay disi-siyete pa lang ngunit dahil sa pakiramdam niya ay nakakaangat siya sa lahat ay walang nakakapigil sa mga gusto niyang gawin. Isa pa, hindi naman siya nagpapahuli sa mga teacher. Sa rooftop lang niya iyon ginagawa kapag naroon siya sa school.

Kasalukuyan siyang nasa rooftop ng isang school building ng Saint Therese High. Hindi roon pwedeng magpunta ang mga estudyanteng kagaya niya pero dahil sa may kapit ang pamilya niya sa ST High ay nagagawa niya ang halos lahat sa paaralan na iyon.

Nagulat si Brittany nang bumukas ang bakal na pinto papasok ng rooftop. Natataranta niyang isinilid sa handbag ang vape.

"Hey! Brittany!" sigaw ni Sasha.

Isa si Sasha sa mga kaibigan niya. Palagi itong may makulay na tali sa buhok. Hindi niya alam kung hindi ba ito nabibigatan sa mga bracelet nito sa dalawa nitong kamay na may iba't ibang kulay. Akala mo ay isa itong naglalakad na krayola sa sobrang kulay ng mga isinusuot nito sa katawan. Singkit at mapusyaw ang balat nito dahil half-Korean nito.

"Fuck you, Sasha! Akala ko kung sino na!" Inis na wika ni Brittany.

Huminto si Sasha sa harapan niya. Habol nito ang paghinga.

"What are you doing here? Didn't I tell you that I want to be alone? Hindi ka ba talaga marunong makaintindi?!"

"Wait lang..." May paghawak pa ito sa dibdib. Mukhang pagod na pagod. "Grabe ang itinakbo ko rito para lang sabihin sa iyo ang latest tea dito sa ST High!"

Bahagyang nakuha ni Sasha ang atensiyon niya. "Don't tell me... alam na nila?" Biglang kinabahan si Brittany.

Mariing umiling si Sasha. "Hindi! Ibang tea!"

"Pwede bang sabihin mo na! Hindi 'yong ang dami mo pang sinasabi!"

"Okay, okay! Masyado ka namang mainipin!" Isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan ni Sasha at diretso itong tumingin sa mata niya. "Nahuli na ang pumatay kay Eliza!"

Nanlamig si Brittany. "A-alam na nila na tayo ang—"

"No!" Hinila siya ni Sasha sa gilid ng rooftop at may itinuro ito sa ibaba. "Look! Ang daming pulis ngayon sa school. Hinuli na nila iyong suspect sa pagpatay sa Eliza na iyon!"

Kahit malayo ang mga pulis mula sa kinaroroonan nila ay kitang-kita niya pa rin ang isang tao na ini-escortan ng mga pulis. Maraming estudyante ang nakasunod sa mga pulis at sa sinasabing suspect ni Sasha.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Brittany. Kung ganoon ay wala na pala siyang dapat na ikatakot pa. Meron nang mananagot sa krimen na ginawa nila ng mga kaibigan niya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumingin ang taong hinuhuli ng mga pulis sa gawi ni Brittany at para bang alam nito na nandoon siya. Ramdam niya ang matalim nitong tingin sa kaniya na nagbigay ng kilabot at takot sa buo niyang pagkatao...


-----ooo-----


THREE MONTHS EARLIER...

Paglabas ni Eliza sa kaniyang maliit na kwarto ay naabutan niya ang ina niyang si Lilith sa may sala. Nakaluhod at nakapikit ito sa harap ng altar. Magpapaalam siya rito na papasok na siya sa school ngunit dahil nasa gitna ito ng pagdarasal ay hindi na niya ito inabala.

School Trip: RebornWhere stories live. Discover now