Chapter 4

14 2 1
                                    

Chapter 4

WARNING!: R/18!! BAWAL SA BATA. KAYA NAMAN KUNG IKAW AY 17 YEARS OLD PABABA, LAGPASAN MO NA LANG ANG STORY NA ITO.

Parang nililipad sa kung saan si Gionne habang in-imagine niya ang mga pwede nilang gawin ni Isadella sa kung saan-saang lugar kapag napapayag na niya ito sa gusto niya. Ang maging nobya ito.

Abot langit ang ngiti ni Gionne dahil naabutan niya ang breakfast ng mga magulang. At naroon din si Isadella, kumakain pa. Natuwa rin siya dahil kung ituring ng mga magulang niya ang dalaga ay para bang anak nila ito. Mabilis niyang pinaalam sa mga ito ang presensiya niya.

“Hello, mother, father, and to my future lover!” Ang laki-laki ng ngisi niya nang tumingin kay Isadella. Inikutan naman siya nito ng mga mata at umismid na para bang isa siyang virus na ayaw nitong malapitan.

“Oh, anak! What are you doing here? Nag-breakfast ka na ba? Bakit hindi ka man lang nag-abiso na pupunta ka pala? Nalutuan sana kita ng paborito mong almusal,” usisa ng kaniyang ina sa kaniya. Tumayo rin ito para yakapin siya’t makipag-beso.

“Sally, hon, huwag mo na gawing baby iyang anak mo. Malaki na iyan at kung gugustuhin niya nga rin ay makakagawa na iyan ng baby.”

“So, if kay Ella ba ako magkaka-anak, hindi kayo magagalit?”

“Anak naman! Huwag mong idamay si Ella sa kalokohan mo. Hindi talaga ako magdadalawang-isip na itakwil ka at ipaputol iyang ipinagmamalaki mo,” pagbabanta ng ina sa kaniya at pinandilatan pa siya nito ng mga mata.

Pero hindi pa rin siya nagpatalo. Hindi naman niya gustong inisin ang ina pero hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit ginugusto niya si Isadella. “Mom, hindi naman ako magiging pabayang ama. I’ll be a good father to them, though I can’t promise to not teach them that life should be cherished. Kung gusto nila ako gayahin, then go. Wala namang masama roon, eh.”

Nagpakawala ng isang malakas na buntonghininga ang ama. “Wala ka na talagang pag-asa, anak. Are we bad parents? Did we really spoil you that much? I’m getting tired with your b*llsh*t, anak, pero alam ko kapag hinigpitan ka naman namin, baka mas lalo kang lumala.”

“Grabe ka naman, Dad! Para namang sinasabi mo na isa akong virus na kailangang puksain sa lalong madaling panahon.”

“That’s not what I mean, Gionne. What I want you to do is to take over our business. Hindi na ako bumabata, anak. Sooner or later, kailangan ko na ring mag-retiro. Gusto ko rin namang sulitin ang buhay ko kasama ang ina mo. At gawin namin ang mga plano namin para sa sarili namin na magkasama.”

Lumapit si Gionne sa ama at tinapik-tapik ang balikat nito. “You don’t look old and you’re not too old, Dad. Baka nga mas mabilis ka pa tumakbo sa kabayo, eh. Don’t worry, Dad, you’ll live long.”

Napailing-iling na lang ang ama ni Gionne at hindi na nagsalita pa. Ang ina naman niya ay inasikaso siya para makakain na rin siya. Sa tabi siya ni Isadella umupo para makatabi niya ang dalaga. Iyon nga lang, tapos na pala itong kumain kaya umalis na ito sa dining.

Hindi naman siya umalis para sundan ang dalaga. Kumakalam na rin kasi ang sikmura niya kaya kumain na lang muna siya.

“Didn’t you eat anything last night, anak? Para kang gutom kung kumain ngayon, eh.”

“Oh, Mom! You don’t have to ask. For sure, you’ll feel gross if I tell you what I did last night.”

“Mabuti pa nga at kumain ka na lang.”

Nang matapos siyang kumain, nagpaalam siya sa mga magulang. Hindi siya aalis, hahanapin niya lang si Isadella. Bago siya makaalis sa dining, may warning look na binigay sa kaniya ang ama. Hindi naman niya iyon pinansin.

Steps to YoursWhere stories live. Discover now