C1_STUDIO

2 1 0
                                    

Lielle's pov

I've been currently practicing my vocal here in a small studio.

There's no other people here so I'm alone. Mukhang inabandona na dahil sa mga agiw na nakikita ko sa bawat sulok ng kisame kaya dito ko naisipan magpalipas ng oras.

Maganda naman ang boses ko, nahihiya lang akong iparinig sa iba kaya I always look for places where I can find peace and calmness.

First subject namin ngayon pero walang teacher kaya gumala-gala muna ako, then I found this small room pero halatang studio dahil sa mga lumang inventory chest na nakabukas at may mga laman na sirang instruments.

Banda 'to sa likod ng school na katabi ng isang abandoned building na sa tingin ko imbakan na lang ng mga libro at mga documents.

Yung ibang instrument ay kinalikot ko na pwede pang magamit ay isinantabi ko banda sa pinto pero hindi ko naman kukunin dahil  baka may nagmamay-ari pa ng mga ito.

Hindi ako mapakali at nangangati ang kamay na linisin ang paligid. Parang pwede pa kasing gamitin dahil alikabok lang naman ang problema at pwede pa siyang i-mop.

Hindi ko matiis na maglinis dahil pwedeng ito muna yung pansamantalang pagtambayan ko tuwing may libreng oras ako.

Ayun nga lang kung wala nang gumagamit.

Pinag-hiwalay ko ang mga sirang gamit sa hindi. May isang lalagyan ang nakapukaw sa aking atensyon at walang kung ano-ano ay tinignan ko iyon.

May set ng school supplies. Ballpen, pencil at iba't-ibang sizes ng papel, maski bond paper at colored.

Hindi ko pinaki-alamanan iyon at naisip na mayroon ngang nagmamay-ari nito.

Pero kailangan ko ng bond paper, pwede kayang kumuha kahit isa lang?

Sakto lang kasi ang pera ko pamasahe at wala akong dalang extra, sana kung sino man ang owner nito, hindi niya bilang lahat 'to.

"Don't hesitate, take as many as you want." napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko.

May isang babaeng nakatayo sa pinto, nakapamulsa at nakangiti.

Mahaba ang buhok niya, straight at hanggang bewang iyon.

"I-ikaw ba ang may-ari nito?" tanong ko at tumango siya.

I looked at her face and no joke, she's beautiful. Sinuri ko ang kabuuan niya. She's wearing blue×white t-shirt at naka-tuck in ang gilid no'n sa pants na blue rin ang kulay. For short, she's wearing p.e uniform.

"Are you done observing every part of me?" she said, making me look away.

A-ah, sorry, hindi ko kasi alam." sambit ko.

Yes, fuck I'm mesmerized by you.

She nods and brushes her hair using her fingers, making her soft and healthy black hair wave like an ocean.

Sana all may healthy hair.

"It's okay, marami rin ang tumatambay dito kaya madumi ang paligid, thanks for cleaning though." sambit niya at nanatili akong tahimik.

Nakita niya'ko, kanina pa ba siya nandito? Bakit hindi ko man lang siya napansin?

"S-sorry, paalis na rin ako. D-do you mind if I take two short bond paper?" walang hiyang sabi ko at nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan.

"Tsk, of course. Kahit alin pa d'yan, gusto mo kuhanin mo na lahat, minsan ko lang nagagamit ang mga 'yan." sambit niya na ikinakunot-noo ko.

Pretty And Popular (GL, ONGOING)Where stories live. Discover now