HJ 008

11 2 3
                                    

Hey, Jules!

       Gar, galing na naman kami kila ate Mads kanina bago umuwi. Kaso wala 'yung baby niya. Kaya pala dinala niya 'yon last time kasi wala palang mag-aalaga. Anyways, magra-rant pala ako kasi ginawa lang naman akong fifth wheel ng mga tropa natin. Si Kristina at Kokoy, syempre hindi na 'yan mapaghihiwalay. Isinama naman ni Angela 'yung manliligaw niyang si Silas. Kaya nakakainis! Nakakairita! Gusto kong magdabog, sumabog, at magsabi ng mga masasamang mga words! Pero kahit na ganon, happy naman ako para sa mga lovelife nila. Kung nandito ka, malamang sa alamang iho-hot seat mo 'yung manliligaw ni Angela. Kaso, Gar, lugi ka do'n. Englisherist 'yon eh. Hindi mo 'yon kaya. 

Alam mo? Ang sarap pa rin talaga ng sawsawan nila. May tinda na rin siyang halo-halo. Pero nagbuko juice lang ako kasi hindi ako nakain non eh. Sabi rin ni ate Mads, magdadagdag na sila ng ihaw-ihaw. 

Try natin 'yon sa susunod ha?

Miss ka na so much,
Hachi.

Hey, JulesWhere stories live. Discover now