HJ 025

12 2 8
                                    

Hey, Jules!

Hi, sorry kung ngayong lang ako nakasulat. Pinilit ko lang talaga sila nanay. Ayaw na kasi nila akong pasulatin dito dahil wala naman daw maidudulot na maganda sakin. Gusto ko lang naman magsulat para sayo, bawal ba 'yon? Gusto ko lang sabihin lahat ng gusto kong sabihin. Kahit walang kasiguraduhan na mababasa mo ba talaga 'to.

First of all, gusto kong humingi ng sorry. I'm sorry kasi hindi ko na matutupad 'yung mga pangarap natin. I'm sorry kasi hindi ko na masusundan 'tong sulat ko. And I'm sorry kung hindi na kita mahihintay pang bumalik. 

I'm slowly dying, Jules. I was diagnosed with acute leukemia. 'Yung sakit ko last time, akala ko trangkaso lang. Ito na pala 'yon.  Kaya pala palaging sumasakit ang ulo ko. Wala akong ganang kumain at napansin pa ng mga kaibigan ko sa school na namumutla ako. Akala ko, kulang lang ako sa tulog at kain. Haha! 

Tanggap ko na, Jules. Tanggap ko ng hindi na ako magtatagal. Wala namang gumagaling sa leukemia eh kaya hindi na ako aasa. Umuwi ka pa rin, Jules, ha? Kahit sa huling lamay ko na lang. Or kahit wala na ako, umuwi ka pa rin ha? Hihintayin pa rin kita.

Sige na, Julio ko, magpapahinga muna ako. Padating na rin sila nanay, baka magalit pa 'yon pag nalaman nilang nagsusulat na naman ako rito. Hindi ko pala alam kung makakasulat pa ulit ako. Pero sana matandaan mong ikaw lang mamahalin ko kahit sa susunod na habang buhay pa 'yan.

I love you, my palagi.


Hachi.

Hey, JulesWhere stories live. Discover now