Lost Chapter #10

25 2 6
                                    


The Secret Admirer

Eros' POV

Halos dalawang linggo pa lang mula nang magsimula ang second sem at magkaroon kami ng mga babaeng kaklase pero nakakabilib kung paanong mas hinahangaan pa ng marami si Austin kumpara sa'ming mga lalaki.

Sikat na nga sila Dos, Crimson at Tres, dumagdag pa si Austin. Tsk!

Hapon na, pero imbis na bumalik sa dorm at magpahinga ay tumambay pa muna ako saglit dito sa court para panoorin si Austin na makipaglaro ng basketball sa mga junior students na nag-aya sa kanyang mag-laro kaninang umaga. Suot niya pa rin ang panloob niya kaninang puting long sleeve na polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. Ang kaninang palda na suot ay napalitan na ng malaking itim na shorts na sinusuot lang namin tuwing P.E. Kahit nakatali sa likod ang maiksi niyang buhok ay may iilang hibla pa rin ang naiiwan at sumasagabal sa mukha niya.

Napatingin ako sa itim na flat shoes na nasa tabi ko bago muling ibinalik ang paningin sa kanya. Napailing ako nang makitang nakapaa nanaman siya.

Mabuti hindi siya nadudulas o hindi sumasakit ang paa niya kaktakbo at talon nang walang sapin sa paa.

"Galing mo 'te Austin! Sana bukas ulit!"

"Grabe naman kayo, makipaglaro din kayo sa iba. Mas maganda pag nakipaglaro kayo sa mas may experience para hindi masayang yang mga talent n'yo."

Napabuntong hininga ako.

Grabe! Ibang iba talaga siya pag nasa harap ng mga bata. Mas lalo siyang gumaganda at umaangas tignan kapag mature.

"Huy! Ayos ka lang?" Nagulat ako nang mapansing nasa harap ko na pala siya nang di ko namamalayan. Isa-isa na ding nagsisipaglabasan ang mga tao dahil tapos na ang laro.

Napatayo ako. "Ha?--ah oo! Himala maga kayong natapos ngayon ah."

Natawa siya sabay kamot sa likod ng ulo niya. "Pinatigil ko na, baka mamaya matulad nanaman nung nakaraan na parang ayaw na 'kong pauwiin."

Napangiti ako. Simula nung nakita nilang maglaro si Austin nung nakaraan kasama sina Dos at ibang mga juniors ay mas lalo silang na-engganyong manood at makipaglaro sa kanya. Bukod kasi sa pagiging babae na marunong maglaro ng basketball ay na-enganyo din sila bait at pagiging mapagkumbaba niya. Dagdagan pa ngayon na wala man lang siyang ipinakitang arte sa katawan habang naglaro ng naka-paa.

Kahit hindi tungkol sa basketball, maraming mga babae at lalaki ang hindi nahihiyang I-approach si Austin pag wala si Dos dahil hindi siya nagi-isnob tulad nila. Marami sa mga juniors ang humahanga at gustong makilala sila Dos at Crimson, pero nahihiya o takot dahil sa ma-owtoridad na presensya nila.

Kung hindi dahil kay Austin ay hindi pa nila magagawang makalaro at makausap ang halos karamihan sa mga seniors nila.

"Austin! Hanap ka na ng bebelabs mo, kanina pa mainit ang ulo! HAHAHAHA!" Pareho kaming napalingon nang marinig ang boses ni Tres. Kasunod niya si Dos na napairap dahil sa panlalaglag ng kaibigan.

Dali-daling sinuot ni Austin ang sapatos at binuhat ang bag. Sinalubong niya si Dos nang bigla nitong pisilin ang ilong niya.

"Araaay!"

"I told you not to wear those shorts without me."

"Eh mainit eh!"

"Hindi ka maiinitan kung hindi ka naglaro." Sermon sa kanya ni Dos. Iretable siyang napakamot sa ulo niya.

Kahit sa relayon nila, hindi nakakaumay o masakit sa mata tulad ng iba. Hindi sila sobrang sweet at hindi rin naman palaging nagtatalo. Mula nang maging legal sila sa mga magulang ng isa't-isa ay mas lalo silang naging maingat at dumistansya sa isa't-isa. Makikita sa kanilang dalawa ang respeto at pagpapasensya sa isa't-isa, bagay na hinahangaan at kina-iingitan naming lahat.

Boys Dormitory Presents: The lost (But Now Found) chapters Where stories live. Discover now