17

8 6 0
                                    

KIM'S P.O.V

Panibagong, araw, panibagong putangina.

Pumasok ang adviser namin na may dalang mga I.D. Napaayos ako ng upo. Shet, a'yan na.

Ilang araw kong pinagdasal na sana ay umayon sa 'kin si tadhana sa I.D picture ko.

"Good morning, class. If I call your name, please go in front to get your I.D." banggit ni ma'am at nagsimula nang magtawag ng pangalan.

"Rodriguez," pagkabanggit ni ma'am ng pangalan ko ay agad akong tumayo at kinuha 'yong sa 'kin. "Thank you, ma'am," sambit ko bago bumalik sa upuan ko.

Nag-sign of the cross muna ako bago dahan-dahang tinanggal ang nakatakip kong kamay sa picture ko.

Gusto kong sumigaw.

Dahil sa sobrang ganda ko.

Shet. Thank you, Lord! Hindi ako mukhang batang hamog sa picture. Nagmukha akong anghel na binagsak ng langit.

Sunod kong pinagmasdan ang I.D lace. Kulay sky blue ito. Nakasulat ang G9 - Class A sa kaliwa at LS High naman sa kanan. Shala, pati I.D lace mukhang mamahalin.

Lumingon ako sa katabi ko. Ikaw kaya? Kailan mo ako mamahalin?

Suot-suot niya na ang kaniyang I.D at mukhang wala siyang pakialam kung ano 'man ang itsura niya roon. Tumingin ako sa I.D picture niya. Pakshet, pinakbet. Ang pogi talaga kahit seryoso lang ang pagmumukha niya roon sa picture.

"Grabe, bro. Pwede nang ilagay 'tong I.D picture ko sa cover ng magazine," napatingin ako kay Levi nang magsalita ito. Ipinakita niya pa ang kaniyang I.D picture kay Tristan pero tinignan niya lang ito saglit at wala 'man lang sinabi o naging reaksyon. 

"Okay, class, since all of you already have your I.D's, you must wear it from Monday to Friday. As you already read on the rules and regulations of LS High, those who dare to violate must be given consequences. Let us now proceed with our lesson for today." sambit ni ma'am at nagsimulang buklatin 'yong libro na nakapatong sa table na nasa harapan niya.

Luh. Ang bilis ng transition, ah.

Isinuot ko na ang aking I.D at tahimik na nakinig kay ma'am kahit labag sa kalooban ko.

Nang dumating ang break time ay napahikab ako at tumayo na.

Akmang pupunta na ako sa mga kaibigan kong nag-aayos ng gamit ay napatigil ako nang biglang lumapit si Nathan kay Tristan.

"Uy, bro. 'To naman, sorry na." sambit ni Nathan. Hindi siya pinansin ni Tristan at nauna na itong lumabas. "Luh," napakamot si Nathan sa kaniyang ulo.

"Ano na namang kagagohan ginawa mo?" tanong ni Levi.

"Kasi, ano.. alam niyo ba 'yong mga stuff toy na nasa kama ni Tristan? Kinuha ko kasi tapos, a'yun, nagalit."

"The three stuff toys?" nakakunot ang noong tanong ni Harrison.

"Oo,"

"Tanga, kay Tristannia 'yon. Ayaw niyang may ibang humahawak do'n," sagot ni Levi na nagpakunot ang noo ko. Kapatid ba ni Tristan 'yong Tristannia na binanggit ni Levi? Halos magkaparehas na pangalan nila, e.

"Ay, gago. Nakalimutan ko."

Binatukan ni Levi si Nathan. "Lahat naman nakakalimutan mo. Tara na, baka kung saang lupalop pa pumunta si Tristan." sabi ni Levi at umalis na sila.

ForbiddenWhere stories live. Discover now