29

8 4 0
                                    

KIM'S P.O.V

"Hindi ba pwedeng magboto na agad tapos umalis na? Ang boring," bulong ko. Tapos na gumawa ng eksena sa stage ang grade 7 to grade 11 representatives.

Habang nagsasalita ang pangalawang president representative ng grade 12 ay isa-isa kong tinignan ang mga grade 12 representative na naka-upo pa. Tumigil ang mga mata ko sa isang babae nang magtama ang aming mga tingin. Kumunot ang noo ko nang agad itong nag-iwas ng tingin.

Pinagmasdan ko siya. Morena siyang babae at nakasuot ito ng salamin. Mahaba ang kanyang straight na buhok, hanggang baywang niya ito.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa tumingin siya pabalik sa 'kin. Nagtitigan kami. Pagkalipas ng ilang segundo ay ako na ang nag-iwas ng tingin.

Nang tapos nang magsalita ang apat na president representatives ng grade 12 ay tumayo 'yong babaeng nakatitigan ko kanina.

"Good morning, my fellow students. I am Mary Jane Vidal, from grade twelve class A. Running for the position of grade twelve vice president." nagsimula siyang magbitiw ng mga salita. Itinatak ko sa aking isipan ang kanyang pangalan.

Mary Jane Vidal.

"Are you all right, Kim?" napatingin ako kay Kia nang tapikin niya ang kamay ko. Maliit akong ngumiti at mahinang tumango. "Something's bothering you." sambit niya. It was more like a statement rather than a question.

"Nagugutom na kasi ako," pagdadahilan ko. Pinakatitigan muna ako ni Kia bago ito tumango at ibinalik ang tingin sa stage.

Nang tumingin ako sa stage ay nagtama ulit ang aming mga tingin habang nagsasalita siya. 'Gaya kanina ay siya ang unang nag-iwas ng tingin.

Anong meron?

Ayaw kong mag-assume na sinasadya niyang tignan ako dahil inililibot niya ang tingin niya sa mga estudyante, kaya normal lang na magtama ang mga tingin namin. Pero kanina ko pa siya nararamdamang nakatingin sa 'kin, hindi ko alam kung sa 'kin lang o pati sa mga katabi ko.

Nang matapos na sa wakas sa pagsasalita ang mga representative sa stage ay pumunta sa gitna sina Ms. Corpuz at Mr. Navarro.

"Now that the representatives are done representing themselves, you may now vote quietly." sambit ni Ms. Corpuz kaya agad ko nang sinimulan ang pagboboto.

Medyo nakinig naman ako kanina, e, kaya naaalala ko pa 'tong mga pangalang nababasa ko. Nang matapos na akong bumoto sa grade 7 at 8 ay napangiti ako nang mabasa ang pangalan ni Zel.

Tumigil muna ako nang matapos akong bumoto sa grade 10 representatives. 5 minutes pahinga muna, baka ma-comatose na ako sa dami ng pangalan, e.

Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy na ulit ang pagboto. Nakarating na ako sa mga pangalan ng grade 12 representatives at napatigil ako sa isang pangalan na nasa ilalim ng vice president.

Mary Jane Vidal.

Kumibit-balikat ako at binoto siya. Ang ganda nung speech niya kanina, e.

Nang matapos ako sa pagboto ay sinubmit ko na ito at pinatay ang aking cellphone. Sumilip ako sa cellphone ni Mika ngunit agad niya itong inilayo mula sa akin.

"Hanggang sa pagboto, mangongopya ka?"

Pinakita ko sa kanya ang nakapatay kong cellphone. "Tapos na ako, gaga,"

ForbiddenWhere stories live. Discover now