CHAPTER FOUR

144 6 1
                                    

"I'M READY ..." ani Viola na kanina pa pinagmamasdan ang nakapikit na binata.
Sa tingin niya ay nabawasan ng maraming taon ang edad nito. Sa tingin pa rin niya ay mas kahawig ni Gio ang nakasayaw niya noong onse anyos pa lamang siya.
Aminin man niya o hindi, natitiyak niyang hindi iilang babae ang naakit dito. Kabilang na roon ang mama niya. Napabuntong-hininga siya.
Bahagyang nagulat si Gio. Nagmulat ng mga mata. Nasa harap niya ang batang kasayaw niya may sampung taon na ang nakararaan.
"How fast you've grown..." wika niya.
"Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ng
dalaga.
"I was dancing with you..." nakangiting sagot ng binata na  tumayo mula sa kinauupuan.

"You remembered that!" Bakit pareho sila ng naiisip? Ng naaalala?
"Clearly," maikling sagot ng binata na tinungo ang dalawang maleta sa may puno ng hagdan.
Walang anumang binuhat.
"Isara mo ang dapat isara habang dinadala ko sa kotse ang mga ito," at tuluy-tuloy sa labas. Ilang sandali pa ay nasa north expressway na sila.
"Saan mo ako dadalhin?"
"Sa bahay ko."
"Saan iyon?"
"Green Meadows, sa Quezon City," sagot ni Gio na ang mga mata ay nakatutok sa highway.
"Anong sasabihin ng...ng...asawa mo?" hindi sinabi ng mama niya na nag-asawa na ito subalit gusto niyang makatiyak. Sa gulang, physical appearance at kalagayan sa buhay, hindi malayong may
asawa na ito.
"Wala akong asawa, Viola."
Bagaman nabigla at hindi makapaniwala sa narinig ay nakadama ng relief si Viola. Kasabay din noon ay lungkot. Dahil ba sa mama niya kaya hindi nag-asawa si Gio? Hindi ba nito nakalimutan ang mama niya sa kabila ng mga taon?
Sa loob ng maraming taon ay tila anino ng ama

at ina niya si Gio. Elementary na siya nang makita ng papa niya ang iniingatang notebook ng mama niya Nakasulat doon ang isang awit at pangalan ni Gio. Sa simula ay binalewala iyon ni Jaime. Mabait at pasensyoso ito. Hindi ito naghinala ng anuman dahil
na rin sa pagmamahal kay Violeta.
Bagaman hindi nagkukulang si Violeta bilang asawa at ina ay alam ni Viola na wala itong pagmamahal sa ama niya. Natiyak niya ito habang
lumalaki siya.
Nagbago ang lahat nang minsang mahuli ni Jaime si Violeta na yakap-yakap sa dibdib ang notebook at hinahalikan ang ginupit na larawan ni Gio mula sa annual ng eskuwelahan. Noon lang napagtanto ni Jaime kung bakit kahit minsan ay hindi nito nadama ang pagmamahal ng asawa.
Natutong magsugal at maglasing si Jaime mula noon na siya ring naging sanhi kung bakit naalis ito sa paaralang pinagtuturuan. Naipagbili at naisanla nito ang
halos lahat ng ari-arian nila.
Isang gabing umuwi itong lasing ay hindi nito naiwasan
ang isang humahagibis  na sasakyan. Ang
sabi ng mga nakakita ay sadyang sinalubong ito ng
ama niya.
Gusto niyang kamuhian si Gio dahil doon lalo na at hindi humihinto ang ina sa pagkukuwento tungkol dito. Maliban pa sa lagi itong nakasubaybay sa alinmang pahayagan o magasin na kakikitaan ng pangalan ni Gio. Subalit kasalanan ba ng lalake kung ang sarili niya mismong ina ay ayaw lumimot? Nilingon niya ang katabi. Nakakulong din ba ito sa ganoong uri ng pag-ibig? tanong niya sa sarili.
"Ano ang ikinamatay ni...ng mama mo, Viola?" tanong ng binata nang huminto sila sa isang cafe upang mananghalian.
"Dati nang maysakit ang Mama, high school pa lang ako. Pero mas gusto kong isiping sadya niyang pinabayaan ang sarili. Ako lang ang nagpipilit na
magpagamot siya.
"Bakit?"
Mapait na ngumiti ang dalaga. "Mas kaya mong Sagutin iyan kaysa sa akin, Gio," aniya na sumubo ng pagkain.
Nang hindi kumibo ang binata ay muling nagsalita si Viola. "Kung...kung nalaman mo ang pagkamatay ng Papa, Gio, babalikan mo ba ang
Mama?"
"Kung nalaman kong nasa gipit kayong kalagayan ay hindi na sana umabot sa ganito ang lahat. Viola. Na magkasanla-sanla ang natitira ninyong ari-arian."
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Gio."

"Anong sagot ang gusto mong marinig mula akin, Viola? Kung tapos ka nang kumain, tayo na"
At tinawag ang waiter.
Makalipas ang ilang oras ay nasa harapan sila ng bahay ni Gio. Isang matandang babae ang nagbukas ng gate. Ipinasok ng binata sa garahe ang sasakyan.
"Magandang hapon, Attorney...
"
"Si Viola, Aling Tinay. Anak siya ng isang matalik na kaibigan. Hindi ko na inabot ang libing ng mama niya. Mula ngayon ay dito na siya titira s atin." Nagtuloy ang binata sa likuran ng kotse kinuha mula roon ang mga maleta ni Viola.
"Halika, ineng sa loob. Ipaghahanda ko kayo ng minindal," yakag ni Aling Tinay na hinawaka
sa braso ang dalaga.
"Si Viola na lang, Aling Tinay. Magpapalit lang ako ng suot at tutuloy na ako ng opisina tapos sa meeting. Ibigay ninyo ang silid sa bandang kanan
ng sa akin."
Kasalukuyang kumakain si Viola nang makitang nagmamadaling bumaba si Gio. Ni hindi pa nito naitatali ang kurbata.
"Feel at home, Viola. Bahay mo na rin ito. I'll see you tonight," tuluy-tuloy na ito sa garahe.
liling-iling ang matanda. "Hay naku, ewan ba diyan sa amo ko. Pinapatay ang sarili sa trabaho gayong wala namang pamilyang binubuhay."
"Wala po ba siyang g-girlfriend?" alanganing
tanong ng dalaga.
"Kung girlfriend, marami. Babae ang humahabol diyan. Lahat ay gustong bingwitin si Attorney. Sino ba naman ang hindi? May matatag na hanapbuhay, guwapo at...at...ano nga ba 'yong tawag nila doon sa parang incredible hulk?"
"Baka hunk po ang ibig ninyong sabihin?" nangingiting sagot ng dalaga.
"Oo, iyon nga. Naku, Viola, sampung taon na akong kasama ni Attorney pero ewan ko ba kung bakit walang sineseryoso iyan," wika uli ng matanda na nilagyan ng juice ang baso niya.
Hindi sumagot ang dalaga. Ipinagpatuloy ang pagkain.
"Dadalhin ko ang mga gamit mo sa itaas. Pagkakain mo ay sumunod ka. Bandang kanan pagdating mo sa itaas. Silid ni Gio ang nasa unahan.
"Opo." Iginala ng dalaga ang paningin sa karangyaan ng paligid. Anong magiging buhay niya kasama ni Gio?
Maganda at komportable ang kuwarto niya bukod pa sa may sariling toilet and bath. Apat ang sa itaas. Ang kay Gio at ang silid niya ay tig- isang banyo. Ang dalawang silid na kasunod ay share sa isang common toilet and bath.

Dala marahil ng pagod sa biyahe ay maagang natulog si Viola. Bukod pa sa aircon ang silid niya
Hindi na niya namalayan ang pag-uwi ni Gio. Sa paglipas ng mga araw ay inabala ni Viola ang sarili sa pamamagitan ng pag-aalaga sa magandang hardin ni Gio. Ganoon din ang pagtulung-tulong kay Aling Tinay. Kung hindi sa gabi ay sa umaga na sila nagkikita ni Gio.
"Ako ang magluluto ngayon, Aling Tinay."
"Hamo na ngang ako. Nakakahiya sa iyong lagi mo na lang ginagawa ang gawain ko..." nakangiting sagot ng matanda.
"Ano ba naman iyon. Nakakainip ho ng wala akong ginagawa, eh. Gusto kong magluto ng lumpiang shanghai at sweet and sour lapu-lapu."
"Paborito ni Attorney ang chinese food. Kung dito maghahapunan si Gio tiyak na mag-e-enjoy
iyon."
"Pareho pala kami ng hilig sa pagkain," wika
nito na inabot ang mga pansahog.
Ilang sandali pa ay nasasamyo na ang niluluto ni Viola. Tinikman ni Aling Tinay ang niluto niya.
"Hmn. Masarap. Masarap ang escabeche mo."
"Sweet and sour, po."
"Pinaganda mo pa. Escabeche ang tawag
ko diyan. Masarap nga, ginutom tuloy ako."

"Ako rin," si Gio na hindi nila namalayang kanina pa sila pinanonood. Kinuha nito ang hawak kutsara ng dalaga at tinikman ang pagkain.
"Hmn. Hindi nagsisinungaling si Aling Tinay..."
"Ihahanda ko na ang mesa," ani Aling Tinay.
Ito ang ika-anim na araw ni Viola sa bahay ni Gio at kauna-unahang makasama niya itong kumain. Hindi sumabay si Aling Tinay kahit anong pilit ni Viola.
Maliban sa kaswal na usapan ay hindi gaanong nagkikibuan ang dalawa. Nangangalahati na sila sa pagkain nang magtanong si Viola.
"Sa Lunes ay maaari na siguro akong sumama sa iyo?"
Nag-angat ng mukha ang binata. "Bakit?"
"Natatandaan kong sinabi mo sa aking ihahanap mo ako ng trabaho. Anim na araw na ang lumipas
mula nang dumating ako dito. Siguro naman ay nakakita ka na ng mapapasukan ko."
"Hindi ba dapat na magpalipas ka muna ng mga ilang araw pa? Weeks perhaps. You're still in mourning,"
sagot ni Gio na isinawsaw ang lumpia sa sauce.
"Precisely. Kaya nga dapat na nagtatrabaho na ako para malibang ako. Isa pa, praktikal akong tao, Gio. I do not want to prolong my agony sa pamamagitan ng pagmumukmok. I cannot mourn forever, can I?"

"But you need not work, Viola. Ano ba ang kailangan mo na wala sa bahay na ito? Tomorrow walang pasok, we can go shopping..."
Tumalim ang mukha ng dalaga. "Huwag mo akong gawing patabaing baboy, Gio. Huwag mo gawing koral ko ang marangyang tahanang ito. Ang sabi mo sa akin ay ihahanap mo ako ng trabaho"
"Koral? Patabaing baboy? What a very nice choice of words," ani Gio na nagtaas ng mga kilay
"Hindi kita ikinukulong dito sa bahay. Ang sabi ko lang ay hindi mo kailangang magtrabaho. I can previde all the things you need. Maaari mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo sa next semester."
"At bakit mo gagawin iyon? Hindi naman talaga tayo magkamag-anak para tanggapin ang ganoong
uri ng charity."
"There you are again. Anong charity? Consider it repayment sa tulong ng lolo mo sa akin. I wouldn have all these things kung hindi dahil sa kanya."
"Sa lolo ka may utang hindi sa akin. Sumama ako sa iyo dahil sa ipinagbilin ako sa iyo ng
Mama. Maliban pa sa nasa gipit akong kalagayan and you came right on time. Isa pa, kahit hindi ako sumam sa iyo, gagawa ka rin ng paraan para maisama ako hindi ba?" pagalit nitong sinabi.
Bumuntong-hininga si Gio. "Your similarity with your mother ended with your physical appearance. As far as I could remember, napakamasunurin ni Violeta."
Lalong tumaas ang boses ni Viola. "Stop comparing me with my mother! You've been silently doing that since day one."
"And very perceptive, too," matabang na sumagot ang binata. Inabot ang tubig at uminom. Pagkatapos magpunas ng bibig ay tumayo. "Mabuti na lang nang makipagtalo ka, marami na akong nakain kundi nasayang ang sarap ng niluto mo," nagtuloy itong papanhik ng silid.
Mabilis na uminom si Viola at sumunod.
"Huwag mo akong talikuran, Gio. Ihahanap mo ba ako ng trabaho o maghahanap akong mag-isa ko?"
"May Linggo pa bago mag-Lunes, Viola. Don't get too excited," tuluy-tuloy na itong pumanhik.

Roses are Red, Violet are Blue by Martha CeciliaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu