1: Letters Buried In Land Of Forgotten

8 1 0
                                    

Mga sulat na ibinaon sa kalupaan ng paglimot.

Mga sulat na piniling tinago sa hukay.

Mga sulat na hindi na nakarating sa kanilang paroroonan.

Mga sulat na isusulat pa lamang ngunit naubos na ang tinta.

Mga sulat na piniling ikubli katulad ng damdaming nagkukumayaw makawala sa pagkakakubli.

Ang pag-iibigang hindi pa nagsisimula ay pinili na lamang tapusin. Ang apoy na hindi pa nagsisimulang magningas ay pinili na lamang sabuyan ng tubig. Ang balon na hindi pa nag-uumpisang umapaw ay pinili na lamang tabunan at takpan.

Ang lahat-lahat na piniling ibaon sa limot, at mamuhay sa buhay nang wala ang isa.

-

Ang mga salitang nakasulat sa bold fonts ay ang mga lihim na hinaing ni Isabella na hindi makikita sa kaniyang diyalogo. Lagi itong nasa dulo.

:)

Letters Buried In Land Of Forgotten (An Epistolary)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora