5: Dapitan, Nobyembre 1885

4 0 0
                                    

Mahal kong Rosetta,

Kumusta ka na, Rosetta? Nitong nakaraang buwan ay madalas ang pagluwas ng inyong pamilya kung kaya't hindi tayo nagkakaroon ng oras upang magkwentuhan. Ngayong buwan naman ay ako ang lumuwas sa Bulakan, kasalukuyan akong nasa Dapitan kasama ang aking pinsang si Salome.

Nitong nakaraang araw, hindi matigil ang pagkirot ng aking puso sa aking mga nalaman. Batid kong alam mong matagal na akong may pagtingin sa kaibigan ng aking Kuya Nicandro na siyang naging kaibigan ko na rin kahit na hindi tama sa paningin ng ibang tao. Ngunit hindi mo pa alam ang tungkol sa kaniyang sinisinta, sinabi niya sa akin sa kaniyang liham ng pangungumusta. Natagalan pa ako bago magbigay ng tugon sa kagustuhan niyang tulungan ko siyang mamili ng mga ireregalo sa espesyal na babae. Bilang isang kaibigan, ako'y pumayag sa kaniyang kagustuhan, ano pa't sabihin ko ang aking nararamdaman sa kaniya kung alam ko naman magmula umpisa na tanging nakababatang kapatid lamang ang tingin niya sa akin.

Kailangan ko ng iyong opinyon tungkol dito. Ang puso ko'y nawawasak sa bawat paglipas ng araw. Hindi ko na alam ang gagawin.

Nasasaktan,
Isabella

-

Tulong kaibigan, puso ko'y nasusugatan. Kay hirap naman kapag may pagtingin sa kaibigan.

Letters Buried In Land Of Forgotten (An Epistolary)Where stories live. Discover now