AID1: The First Victim

10 3 0
                                    


YUWON's POV

"Aba! kakatapos ko lang mag-hugas may hugasin nanaman?! ano 'to? nagrerespawn?!"

Shit! patay kang bata ka.

"Sinong huling kumain dito!?"

Napalunok ako ng marinig ulit ang galit na boses ni Dani. Nanginginig ang kamay ko ng itinaas ko ito. Naramdaman ko naman ang mga yabag ng paa na papalapit sa kinauupuan ko.

"Yuwon..."

Lord kung kukunin mo ako, pwedeng ngayon na? huhu.

Mabagal akong lumingon sakanya at ngumiti na parang bata sabay peace sign pa.

"Hehe, sorry na." wika ko.

I saw how her jaw clenched and the next thing I knew hawak-hawak niya na ang tenga ko habang kinakaladkad papunta sa lababo.

"Ilang sorry mo na 'yan, paulit-ulit nalang tayo! hugasan mo 'yan!" utos niya habang nakatingin sa isang plato, baso at kutsara't tinidor.

"Ihh, mamaya na!"

"Ahh mamaya?" she sarcastically asked at nagulat ako dahil bumunot siya ng revolver mula sa ilalim ng suot niyang maxi skirt at tinutok sakin 'yon.

"H-hoy, Dani naman eh! ibaba mo nga 'yan! eto naman joke-joke lang eh," sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay.

Grabe naman si anteh, hugasin lang tutukan agad ng baril?

"Ano ba 'yan! ang ingay-ingay niyo!"

Napatingin kaming dalawa kay Aris who just finished her daily sparring session. Halata sa pawis nitong nag-uunahan sa pagtulo at sa suot nitong boxing handwrap. Lumapit siya samin at nag-hilamos ng mukha.

Parang wala lang sakanya ang nangyayari dito sa harapan niya ah. Hello? tinututukan na po ako ng baril dito.

"Bakit mo tinututukan ng baril si Yuwon?" nagtatakang tanong niya habang pinupunasan ang mukha ng face towel.

"Eh, kasi ito ang bagal-bagal kumain alam niya namang naiinis ako kapag may tira-tirang hugasin!" inis na sagot ni Dani habang nakatutok parin sakin ang hawak na baril.

Aris groaned in irritation, "Don't blame her okay? ako ang may kasalanan ba't nahuli 'yang mag-lunch, may pinagawa kasi ako sakanya." sagot nito.

"Whatever! basta hugasan niyo 'yang hugasin!" sigaw pa ni Dani.

"Argh! just calm down! ang init na nga ng panahon ang init-init din ng ulo mo!" sigaw pabalik ni Aris at padabog na nilapag ang tuwalya.

"I don't freakin' care!"

"Oh really bitch?!"

Bumaling-baling ang tingin ko sakanilang dalawa.

Wala naman akong magagawa eh!

Nataranta ako ng biglang bumunot ng dalawang dagger si Aris mula sa likod ng suot na sports bra. Tinutok niya ito kay Dani.

At heto na nga, nagtutukan na silang dalawa.

"Kung painitan lang naman ng ulo, hindi moko matatalo, Dalliane!" sigaw ni Aris habang pinapaikot-ikot ang dagger sa daliri niya.

They're circling each other and is ready for battle. Ano ba! bakit hindi parin ako nasasanay eh, halos araw-araw nalang ganito ang eksena sa loob ng kwarto namin. Magugulat ka nalang may nagliliparan ng kutsilyo o di kaya mga gamit dito sa loob tapos may background music pa na putok ng baril.

Oh my gosh! what to do?!

Think, Yuwon, think!

"Ohhh kalma, baby kalma~" pag-kanta ko with matching sayaw pa.

Agents in Disguise Where stories live. Discover now