Chapter Ten

8 0 0
                                    

Be careful, love moves in
a mysterious way

***********

"Congratulations to both of you!" Masayang bati ni Attorney Sejas.

"Maraming salamat po attorney," tugon ni Penelope.

Expected na ni Penelope na possible na mauwi sa kasalan ang agreement nila ni Noah dahil nasa contratang pinirmahan niya iyon. Pero hindi naman niya in-expect na bigla-bigla na lang magdesisyon ang lalaki na hindi man lang siya nito inabisuhan.

Mabuti na lang at nalunok niya ang pagkain na nasa bibig niya dahil kung hindi ay baka nailabas niya iyon.
Napaismid siya nang mapatingin siya sa gawi ng lalaki. Kasalukuyan itong nakikipagkwentuhan sa isang kakilala nito na guest. Totoo nga naman talagang  napakaliit ng mundo at may kakilala pa pala ito sa mga guest.

"Penelope, right?"

Napalingon siya sa nagsalita. Si Belle iyon. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil hindi niya alam kung paano ito pakitunguhan.

"Y-yes, it's me." Pasimple siyang tumikhim para alisin ang bara sa lalamunan niya. Bkit ba sit kinakabahan?

"To formally introduce myself, I'm Belle Alison, and I am Noah's first love." Nakangiting iniabot ng babae ang kamay nito sa kaniya.

First love talaga ang pakilala nito, pwede namang ex-girlfriend.

"Nice to meet you, Belle..." Inabot niya ang kamay ng babae.

"..and to formally introduce myself, I'm Penelope Mercado at ako ang fiancée ni Noah." Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang sagutin ang babae with elegant. Siguro kapag totoong boyfriend niya si Noah baka sinimangutan niya ito.

"I don't want to play in the bush," nakangiti paring simula ng babae.

"Actually it is a lie that Attorney Sejas invited me, in fact it was me who asked him to come with him."

Lihim siyang napalunok. Nararamdaman na niyang gagawa ng gyera ang babae. Parang hindi yata siya ready. Wala sa kasunduan nila ang pakitunguhan niya ang ex ni Noah.

"Ikaw talaga ang sadya ko dito."

"B-bakit?" Nabubulol niyang sambit. Sabi na nga ba niya hindi pa siya ready sa gyera.

"To make it fair,since we're both woman, I just want to inform you that I want Noah back. I know he still loves me at pakakasalan ka lang niya dahil sa last will ng lolo nito."

Pinigilan ni Penelope ang sarili na  mapatingin sa gawi ni Noah. Paano nalaman ng babae ang tungkol sa last will ng lolo nito? Baka sabihin ng lalaki na siya ang nagsabi.

"I don't think so, kung ikaw ang mahal ni Noah dapat ikaw ang pakakasalan niya ngayon at hindi ako." Mabuti na lang at hindi siya nabulol.

Pero bakit nga ba hindi ito ang pakakasalan ni Noah? Pansin niya na nagbabago ang mood nito kapag nandoon si Belle. Ibig sabihin ba 'nun may epekto pa rin ang babae dito?

"M-maybe because he still hate me, but I know he still love me." Nawala na ang ngiti ng babae. "I want him back-"

"What's happening here?"

"Noah," nakahingang sambit ni Penelope.
Awtomatikong napunta sa braso ng lalaki ang mga kamay niya at dahil na kay Belle ang pokus niya ay hindi niya napansin ang pasimpleng pagsulyap nito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"We're just talking," agad na salo ni Belle. Takot pala ito sa lalaki tapos ang lakas-lakas ng loob nitong sabihin na she wants him back.

Sinulyapan siya ni Noah. "Oo, nag-uusap lang kami," pagsangayon Niya. Pero hindi inalis ng lalaki ang tingin sa kaniya.
"Tungkol sa kasal...natin," dugtong niya para makontento na ito.

Marry Me And You're FreeWhere stories live. Discover now