CHAPTER 13

388 13 7
                                    

"Are you ready, baby?" Maligaya at nakangiti kong tanong kay Sabrina.

Nakangiti naman siyang tumango. "Yes po, Mommy! Pero wait lang po saglit, ha? Aayusin ko lang po iyong hair ko."

Nakatayo siya sa harap ng salamin at tinatali ang sarili niyang buhok. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo sa kama. Hawak hawak ko ang maliit na bag niya na may laman ng mga snacks niya.

Nakapagsend na rin ako ng text kay Crillian na aabsent ako at pinasabi sa kanya na siya na ang bahala na magsabi sa boss namin.

Napairap ako sa salitang boss. Hindi ko pa rin nakalimutan ang ginawa namin.

Lalo na iyong sinabi niya sa akin...

Napalunok ako nang sumagi na naman sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin.

He's willing to be the father of my child when, in fact, it is also his child.

I know that many people would say that I am a selfish mother. But they don't know how it felt. They don't have the feeling of being afraid of the person who broke everything for you. He didn't just break my trust and my heart; he also broke my soul and myself.

How could I believe his words when I saw it in my own eyes that he was in bed with my best friend?

Paano kung magtitiwala na naman ako? Paano kung sa pagtiwala ko ay hindi lang ako ang masasaktan, kundi pati si Sabrina? Paano kung maramdaman ni Sabrina ang naramdaman kong sakit na ipanadama niya sa akin?

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang isipin na masasaktan ang anak ko nang dahil sa magtitiwala na naman ako. At isa pa sa ikinakatakot ko ay paano kung kuhanin niya sa akin si Sabrina 'pag nalaman niya ang totoo?

Ilang araw na lang. Aalis na ako sa kompanya niya na at magpakalayo-layo. Hindi ko na kaya pa rito. Kakalimutan kong nagkita kaming muli. Kakalimutan ko ang nangyari lahat.

Ang hirap na kasi eh. Ang hirap na magtiwala sa isang tao na ginawang misarable ang buhay mo. Ang hirap magtiwala lalo na't takot kanang maranasan muli ng sakit na naranasan mo rati.

"Mommy!" Agad akong napatingin sa ibaba ko at nagulat sa nakita.

Yakap yakap ni Sabrina ang mga binti ko at malungkot itong nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay parang luluha na rin.

Dali-dali kong pinahid ang luha ko at ka agad na ibinubat si Sabrina.

"May naalala lang ang Mama, Sabrina. Wala 'to." Mabilis kong hinalikan ang noo niya. Tumayo ako habang buhat siya at kinuha na ang school bag niya at shoulder bag ko.

Sumulyap ako kay Sabrina at halos manhina na naman ako ulit nang makita na marahan niyang pinapahiran ang gilid ng mga mata niya. Ang mga maliliit niyang mga kamay, marahan na pinapahiran ang lumuluha niyang mga mata.

"T-ara na po..Mommy.."

Napalunok ako at hindi makagalaw. Mahina at naiiyak niya iyong sinasabi sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak, nang tumingin sa akin si Sabrina...gamit ang umiiyak niyang mga mata.

"M-ommy..tara na po. Malalate na po tayo..." Mahina niyang sabi, kasabay ng mahinang hikbi.

"Okay lang po...okay lang po, 'pag hindi niyo sinasabi sa akin..kung bakit po kayo umiiyak. Pero..m-ommy, hindi ko rin po kayang hindi umiyak. Kapag nakikita ko po kayong umiiyak, naiiyak po ako, Mommy."

Sa isang iglap, mahigpit kong niyakap ang anak ko at malakas na humagulgol.

"Sor-ry...sorry...I'm sorry, anak. Did you always see me crying?" Mahina kong tanong, habang malakas na humikbi, kasabay nang mga hikbi niya.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now