13

127 6 1
                                    

Chapter 13
"Wait Gabriel! Pagod na ako tapos ang init!"

Reklamo ko at napaupo sa damuhan. 9pm ba naman pinatakbo ako ni Gabriel dito sa field and guess what  wala pa ako breakfast.

"Nagrereklamo ka ng mainit after mo gumising ng 9pm? Hindi ba sabi ko dapat 5am nandito ka na?"

Napanguso ako sinabi ko na madaling araw na ako nakauwi at napalalim tulog ko.

"Then wag ka na magreklamo dahil kasalanan mo din naman. Tuloy ang practice. Run."

Agad ako na tumayo after ako samaan ng tingin ni Gabriel. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at sinabihang nakakainis si Gabriel.

So? Ayon kahit tanghaling tapat tumatakbo ako at noong sinabi na ni Gabriel ang word na break time na napadapa na lang ako sa damuhan. Hindi na ako nagtangka pa umupo dahil sa sobrang pagod pero hindi katulad last time hindi na sumasakit ang buong katawan ko.

It's just pagod na pagod na lang talaga ako then maya-maya naramdaman ko lumapit sa akin si Gabriel. Naniningkit ang mata na tiningnan ko siya.

Tumawa lang ito then inabutan ako ng tubig. Pinilit ko umupo tapos kinuha iyon.

"Bukas na kita tuturuan ng ilang moves na magagamit mo. Tapos sa susunod na araw kukuhanin ko sa office ang blueprint at ilang info about sa hotel. Gagawa na din tayo ng plano paano ka makakalapit kay sir Aron."

Uminom ako ng tubig at inalala ko ang ilang information na sinabi sa akin ni Gabriel about kay Aron.

"Speaking of sir Aron? Paano ko aagawin atensyon niya? Wala ako experience?"

Tiningnan ako ni Gabriel ng pagtatakha. Sinabi ko na wala pa ako nagiging boyfriend at wala ako naiisip na paraan paano siya mase-seduced.

Napasapo si Gabriel sa noo at sinabi na patay sila doon. Sinabi sa akin ni Gabriel na bukod sa mga nagiging babae ni Aron wala ma nakakalapit dito.

Masyado daw maraming bantay si Aron at tanging nakakalapit lang sa kaniya mga babae.

Napahiga ako sa damuhan at tinanong si Gabriel kung magwo-work ba iyon? Hindi ako maganda either sexy. May pinanood sa akin si Gabriel na mga cctv videos kung saan may apat na babaeng kasama si Aron palabas ng hotel like— ang taas ng standard ng lalaki sa babae. Pansinin kaya ako 'non?

"Makakaya ko iyon! Talo ng malandi ang  maganda! Fighting!"

Narinig ko napaubo si Gabriel kaya napalingon ako sa kaniya na nakatayo at kinaway-kaway ang kamay.

"Hindi maganda pakinggan sinabi mo pero tama ka. Kung hindi ka maganda mas mabuti na idaan mo na lang talaga sa performance kaya sa susunod na araw may ipapakilala ako sa iyo na babae. Siya iyong mag-aayos sa iyo at tuturuan ka kung paano mag-act habang nasa mission ka."

Napaupo ako at tinanong kung anong act sinasabi ni Gabriel.

Napamura ako nang madulas sa kamay ko iyong kopita at pang-limang beses na iyon.

Nasa isa kaming puting kwarto at mag-isa lang ako sa loob tapos 'nong may mga lumabas na hologram. Nakatingin lahat ang mga ito sa akin agad na ako kinabahan. Agad ako na tumalikod tapos naibaba ang kopita sa lamesa.

"Hilda, this is the 8th times. Ano ba ginagawa mo?"

Bumaba iyong glassdoor at pumasok si Fiona. Nakasunod si Gabriel na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

8th times ako  nag-fail. Flat na sinabi ko na sa tingin ko wala ako confidence. Malinaw na sinabi na Fiona na need ko ng confidence.

Naramdaman ko lumapit sa akin si Fiona at nag-cross arm.

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon