15

113 7 4
                                    

Chapter 15
Akala ko torture na iyong ginawa namin practice this past few days pero hindi ko akalain na wala pa pala kami sa climax.

Napatili ako 'nong ihiga ako sa kama tapos may mga idikit ang mga pinatawag ni Fiona sa katawan ko. Hawak ng mga ito ang paa at kamay ko.

Bigla nila iyon hinila. Nagpapasag ako at mangiyak-ngiyak sa sakit dahil doon.

"Fiona! Wahh! Papatayin mo na ba ako!"

Sinabihan ako ni Fiona na huwag ako oa dahil wax lang iyon. Nilingon ko siya na nakaupo sa sofa at pretenteng nagbabasa ng magazine.

"Paano mo nasasabi iyan? Halos tanggalin na nila ang balat ko!"

Iyon ang araw kung saan pupunta nga ako sa isang hotel para kilalanin si sir Aron. Siyempre dapat abo't abot ang kaba ko 'non malapit na sistensya ko pero kingina— kingama naman!

Mas gusto ko na mamatay agad ako ngayon pa lang para matapos na ito hindi na ako makaramdam ng sakit. Walang awa kasi ng mga ito dinikitan ako ng wax tapos hinihila.

Kailangan daw kasi maalis lahat ng buhok-buhok ko sa katawan para mailagay nila iyong body cream something. Papatungan daw ng cream na iyon ang mga peklat ko sa katawan para hindi ako magmukhang dugyot sa party at pumantay din ang kulay ko.

"Pwede ba Hilda tigilan mo kasisigaw mo. I-keep mo na lang iyan para mamaya kapag nasa harapan ka na ni sir Aron or padrino. Kapag nailabas mo iyan vocal chords mo for sure hindi mo na magagawa magmakaawa kina padrino kapag tinutukan ka na nila ng baril," ani ni Fiona. Naitikom ko ang mga labi ko at tiningnan ulit si Fiona na nasa sofa. Sinasabi ba nito na huwag ko sayangin ang boses ko dahil kakailanganin ko iyon kapag nag-fail ang mission.

"Thank you Fiona sa concern mo ah," ani ko na may mapait na expression. Ngumisi si Fiona at ngumiti ng matamis. Sumagot ito ng no problem.

"Super appreciated ko— ahhh! Dahan-dahan naman! Ang sakit sakit!"

Sinabi ng isa sa mga babae na masakit talaga iyon. Kapag hindi nila agad alisin mas tatagal pa iyon.

Noong natapos iyon mangiyak-ngiyak nila ako pinaupo sa harap ng salamin tapos sinimulan naman nila  ako  lagyan ng make up na tumagal ng— pitong oras as in.

"Fiona, ready na ba kayo? Nakaposisyon na ang lahat sa labas ng ven—"

Napatigil si Gabriel 'nong pagbukas niya ng pinto nakita niya si  Hilda na lupaypay.

"Gabriel, nandiyan ka na pala."

Umayos ng tayo si Hilda. Natawa si Gabriel sinabi na muntikan na niya hindi makilala ang babae.

"Pakiramdam ko nakahubad na ako sa suot ko," ani ni Hilda. Ngayon lang nakapag-suot ng ganoon si Hilda na feeling niya pati kaluluwa niya makikita na sa suot na dress.

Napahawak si Gabriel sa baba at ni-head to toe si Hilda. Agad na nag-init ang pisngi ni Hilda.

"Wag ka tumingin!"

Tinakpan ni Hilda ang sarili. Tumawa si Gabriel at nanghingi ng sorry.

Nakatingin lang si Fiona sa dalawa. Naalala niya bigla 'nong lapitan siya ni Gabriel at humingi ng favor about kay Hilda.

Nagulat siya ng isang beses lapitan siya ni Gabriel 'nong nasa 2nd division building siya like— ano ginagawa doon ng kaliwang kamay ng padrino nila na napaka-rare niya makita magpagala-gala.

Muntikan na siya magkaroon ng heart attack dahil doon like hindi sa pago-overeact pero makikita mo lang talaga pagmumukha ng isa sa dalawang direct subordinate ng padrino nila kapag nasa torture room ka.

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon