Chapter 1

15 1 0
                                    

Ishan


Sino ako? Huwag niyo ng alamin, wala namang interesting tungkol sa akin. Oo, ako yung nasa prologue. Huwag na marami tanong. Masasaktan pala ako sa story na 'to 'wag ko na kaya ituloy. Pero dahil masokista ako, go.



eme.



Ishan Lauren Castro. Third year college na sa kursong Architecture. Kaya ko pa ba? Hindi na, pero wala naman akong choice kundi tapusin. Kailangan kong makatapos at maging successful dahil kailangan ko ng magandang trabaho, dahil kapag meron kang magandang trabaho, of course, you will have a lot of money. And I need money because I like buying expensive, useless things. Sana one day umulan na lang ng pera.



Nandito ako sa bahay ngayon kasi hindi pa nag-start ang class. Kaka-enrolled ko lang last week for next semester. Start na rin naman next week. Kaiyak, two weeks lang ang bakasyon. Sana hindi na lang kami pinagbakasyon kung ganon, parang pumikit lang ako saglit tapos na. Sumpa talaga ang maging college student.



Nandito lang ako sa kwarto ko, nakahiga, nabubulok sa higaan. Ganito lang ako sa buong bakasyon, hindi ko man lang na-enjoy. I mean, nag-eenjoy naman ako rito sa kwarto ko, pero alam mo yun? Gusto kong lumabas, pero inuuhan ako palagi ng katamaran, kaya ang ending, sa higaan ko pa rin.



Busy akong nag-ssketch ng random things na maisip ko ng naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Tiningnan ko yung notification at tumambad ang limang magkakasunod na message ni Wynn.



"Ishie my pokie, where are you? dito na me."

"Charot."

"Andito ako sa Sullivan, samahan mo ako pretty please."

"And don't u even try to think about it. Sasama ka sa ayaw at gusto mo. Pang-ilang beses ko na bang yaya 'to sa'yo? ni isang beses hindi ka sumama! Matatapos na lang bakasyon lumabas labas ka naman diyan."

"🙄"



Si Wynn, Wynn Yves S. Belmore. Bestfriend ko. Nakilala ko siya noong first year college pa lang ako. Pareho kaming third year at isa siyang nursing student, anlayo sa kurso ko diba? kung paano kami naging magkaibigan?



It all started when she suddenly approached me in the hallway and said that I had saved her life. She said that I had seen her in her worst state, kaya dapat daw maging magkaibigan kami. Well, all I did was hold the door of the restroom while she was calling out to the devils, yes, while she was doing her business. The door didn't have a lock, hindi niya na 'to pinansin since lalabas na yung ginto and I happened to be in need of using the restroom too, and just as I was about to open the door, she screamed. So I stopped at nag-offer ako na hawakan muna yung pinto. Hindi ko kinaya yung amoy pero wala na akong nagawa.



Natatawa na lang ako pag-naiisip ko 'yon.




Saktong nagtext siya dahil gusto ko rin naman na talaga lumabas, hindi ko lang alam saan pupunta. At sinabi niyang nasa Sullivan siya na-miss ko na rin pumunta ron at nakakalibre pa ako ng kape ron. It's a coffee shop owned by her family. So I replied to her.



"Okay, papunta na. Sana ma-libre."



Nagsuot lang ako ng long sleeve white polo na tinupi ko hanggang siko at pinaresan ng straight leg brown pants. then for the shoes a low top na Doc Martens and I'm good to go.



Pagbaba ko ng kwarto, nakita ko si mama sa kusina nagbabake siya ng cake, business namin."Oh ayan na pala ang prinsesa, bihis na bihis ah. Saan ang punta natin, aber?"



Living a LieWhere stories live. Discover now