Chapter 6

428 20 3
                                    

Keysha's POV

Maaga ako pumasok ngayon dahil ibabalik ko yung cellphone na binigay ni Prof. Villareal hindi naman porke't student assistant niya ako ay bibigyan niya na ako ng cellphone para lang ma-contact niya ako.

Pagkarating ko sa University ay kaunti pa lang yung mga estudyante kaya dumiretso agad ako sa office niya.

'Sana naman nandito na siya'

Pagkarating ko sa tapat ng office niya ay kumatok agad ako nagbabakasakaling nasa loob siya, pero makalipas ang ilang minuto ay wala pa din nagbubukas ng pinto. Pinihit ko yung pinto at nagulat ng bumukas ito.

'Diba siya marunong mag lock ng pinto tss. Wala pa siguro siya, okay narin toh iiwan ko nalang sa table niya itong cellphone.'

Dahan dahan akong pumasok sa office niya at sinarado yung pinto at naglakad papalapit sa table niya at sinisigurado na wala akong maggagawang ingay. Pagkalapit ko sa table niya ay dali dali kong kinuha yung paperbag sa bag ko at inilagay sa table niya.

Lalabas na sana ako ng bigla kong marinig na bumukas yung pinto ng CR dito sa office niya.

'sh*tt, lagot na!'

Nakita ko na lumabas dito si Prof. Villarreal, nakasuot siya ng Professor attire niya halatang kakatapos lang maligo dahil may mga pumapatak pang tubig galing sa buhok niya.

"Miss Garcia, what are you doing in my office?" she asked coldly.

"Ah G-goodmorning po Prof. Villareal."

"Miss Garcia, entering my office without permission is highly inappropriate" Prof. Villareal said sternly, her voice tinged with disappointment.

"I-im sorry po, kanina pa po k-kasi ako kumakatok pero wala pong nagbubukas ng pinto kaya p-pumasok na po ako gusto ko lang po sana i-isauli yon." nauutal na paliwanag ko sabay turo sa paperbag na nasa table niya. Tumingin naman siya sa itinuro ko at napakunot ang noo at bumaling ulit ng tingin saakin.

"Why are you returning it to me?" tanong niya.

"H-hindi ko po kasi matatanggap yung binigay niyo sobrang mahal po kasi, I know po na student assistant niyo ako pero hindi naman na po kailangan na bigyan niyo pa ako ng mamahalin na bagay katulad po non." paliwanag ko.

"I don't care if it's expensive, now get it back or I'll fail you."

'Ayan na namam siya sa pagbabanta niya tss.'

"Pero P-prof Villarreal hindi ko po tala---" she cut me off.

""Are you going to take it or would you rather I just throw it in the trash since I won't be using it anyway, so choose." she said frustratingly.

'Siraulo ba siya, ang mahal mahal non tapos itatapon niya lang!? hayss mga mayayaman nga naman.'

"Miss Garcia!" Malakas na tawag Niya saakin.

"P-po?"

"I'm asking you, but I think your not even listening! Fine if you don't want it then go, get out of my office now!" Galit niyang saad at kinuha yung paper bag at itatapon na sa sa trashbin ng pigilan ko siya.

"P-prof wait!"

"What now, Miss Garcia!" she frustratedly said. Lumapit ako sakaniya at kinuha sa kamay niya yung paperbag na hawak hawak niya.

"W-wag niyo na po itapon, t-tatanggapin ko na po." nahihiyang sabi ko. Tinignan niya ako ng maigi at pagkatapos ay tumango.

"Okay good. You can get out now." sabi niya umupo sa swivel chair niya at may kinuhang papel at binasa ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cold Goddess Professor Where stories live. Discover now