Prologue

8 0 0
                                    


Aezion

Sabi nila ang pamilya ang ating ligtas at aliw na lugar. Ngunit ang akin ay kabaligtaran. Sinira nila ako, ang buhay ko. Sila ang mga kontrabida sa buhay ko. Ginawa nilang miserable ang buhay ko. Ginawa nilang gulo ang buhay ko.

Humihikbi ako ngayon sa aking kwarto. Kakatapos lang kase akong bugbugin ng Tito ko, Putok ang gilid ng labi ko dahil sa ilang beses na pagsampal sakin ni  Tito. And guess what? My parents were just watching me, watching me how i cried and begged my Uncle to stop punching and kicking me. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon, pero ang katawan ko? Hinde.

Tumayo ako sa pagkakaupo at hinanap ang ointment na ibinili ng kaibigan ko noong nakaraang linggo. Pero hinde ko mahanap. Agad akong nag-panic. Hinde pwedeng mawala iyun. Hinde pwede. Agad kong hinanap sa mga sulok dahil may kaliitan iyun. Pero wala, wala akong makita. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba.

Nang makababa ay agad kong hinanap iyun. Habang sa kalagitnaan ako ng paghahanap ay biglang may isang kamay na humila sa buhok ko at itinulak ang katawan ko sa sahig.

Masyadong malakas ang pagkakatulak kaya malakas ang pagkakasalampak ko sa sahig.

Nang tignan ko kung sino iyun ay halos  lamunin ako ng takot at kaba. Si Tito.  Itinaas niya ang kanang kamay niya at namilog ang mga mata ko ng makita ang ointment na kanina kopa hinahanap.

“Lintek kang bata ka! Ano ang ibig sabihin nito? Hinde ba at pinagbabawal namin na bumili ka nito?” Galit nitong sigaw sakin. Itinapon niya ang ointment at malalaki ang hakbang na lumapit saakin. Nang tuluyang makalapit sa pwesto ko ay bigla niya akong sinipa sa tiyan, tumalsik ang katawan ko sa may main door namin. Hinde pa siya nakuntento at sinikmuraan ako sa tiyan. Hinigit niya pa ang buhok ko at pinaikot-ikot sa sahig.

Nasisiyahan at Nasasaktan ako, dahil ganito ang ginagawa sakin dati ng Tito ko, pero hinde sa ganitong paraan, hinde sa pananakit na paraan, kundi para pasayahin ako, para patahanin ako. Ngunit ngayon? Ginagaw aniya ito para paiyakin ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Nang magsawa akong saktan ay iniwan na niya ako doon, nakahandusay. Malalim ang paghinga ko. Masakit ang katawan pero pinilit kong makatayo. Hinanap ko ang ointment pero hinde kona makita.

Iyak ako nang iyak dahil sa sakit, pagod at galit na nararamdaman ko.

Kailan ba ako makaka-alis sa impyernong buhay na ito?

Gusto ko rin makaramdam ng pagmamahal. Ang tagal-tagal ko iyung pinangarap, pero bakit? Bakit hinde nila kayang ibigay? Bakit ginagawa nila sakin ito? Ang sakit. Ano ba ang ginawa kong masama para maranasan ito g mga paghihirap at sakit na'to?

Gusto ko rin mahalin. Gusto ko maramdaman ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanila.

I also wanted to feel loved without feeling like i was begging for it.

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng bahay. I will go to my place where i can burst out all the pain i've felt.

Nagpara ako ng trysikel at sinabi ang ngalan ng pupuntahan ko.

Nakatulala lang ako buong byahe, nakabalik lang ako sa realidad ng tumigil ang trysikel. Bumaba agad ako ngunit napatigil ako ng biglang sumigaw si Manong driver.

“Hoy! Ineng, ang bayad mo!” Sigaw na paalala niya. Agad naman akong bumalik at ibinigay ang natitirang bente pesos sa bulsa ko. Maglakakad nalang ako mamaya pauwi.

“Eto po ang bayad” Sambit ko kay Manong driver, masama ang tingin na ibinigay niya sakin bago magsalita.

“Kung may balak ka hinde magbayad, huwag mo ng itutuloy. Mga bata talaga ngayon!” Nagagalit na sigaw nito.

The Tree Of Our Relationship Where stories live. Discover now