Chapter 3

746 13 1
                                    

Hindi na nga ba talaga nila ako iiwan? Wala akong gustong iwan ni isa sainyo pero kayo ang naparamdam saakin na hindi niyo ako kailangan, tapos ngayon sasabihin niyo na bumalik ako sainyo

Masakit yung ginawa niyo saakin, oo alam ko na dapat lahat tayo ay nagpapatawad pero hindi ba ako pwedeng sumaya kahit ngayong sandali lamang?

__________________________
_____________

Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan gusto ko man silang balikan ngunit tuwing makikita ko sila bumabalik din ang ala ala ng pagpapahirap at pasakit na dinala nila sa buhay ko

Wala akong nararamdamang saya tuwing nakikita ko sila, cguro ito na ang tamang panahon para ako naman ay sumaya

......

"Riri, kanina kapa tulala jan okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Pag aalalang Tanong sakin ni Axelle

Nag aalala nga ba talaga siya sakin? Bakit ba kayo dumating sa buhay ko, kayo ba ang mag liligtas sakin mula sa madilim kong mundo, baka naaawa lang kayo saakin kaya niyo nagagawa ang nga ito

Naguguluhan ako hindi ko alam ang dapat kong isipin, ang gusto ko lang ngayon ay maging masaya sana tama ang magiging desisyon ko

_________________________________________

"Okay lang ako, may naalala lang ako, don't worry balik kana dun kaila Ian" tugon ko rito habang may bakas ng ngiti sa aking mukha, ngumiti rin naman ito pabalik sakin at bumalik na siya sa kinauupuan niya

Masaya ko silang tinignan habang nag kwe-kwentuhan, hanggang sa maalala ko ang araw na sila Teahyung ang kasama ko

Ganito rin kami kasaya noon, palagi kaming nag bibiruan, at lagi kaming gumagala ng magkakasama

Cguro kaya bumalik si Rie ay para saktan ako at iparamdam sakin ang na feel niya sa dati niyang mga kaibigan

Oo, ganitong ganito rin ang nangyari kay Rie noon sa ibang bansa,kaya ba sya bumalik para saktan ako?

......

Nawala sa isip ko ang tanong na iyon ng bigla akong punasan ng Icing sa mukha ko

"Ang lungkot lungkot mo jan, ilaro mo nalang yan" masayang sabi sakin ni George, ngumiti naman ako at nagsimulang punasan rin sya

Naglaro kami ng buong maghapon at nakalimutan ko ang mga katanungan ko sa aking isipan

Ito na ang sagot sa paghihirap ko

__________________________
___________

Nagising ako mula sa pagkapikit, nakita kong wala na sa higaan sila Axelle

Agad akong bumaba para hanapin sila ngunit wala akong nakita ni isa sakanila, sinubukan ko silang kontakin pero hindi nila ito sinasagot

Iniwan na rin ba nila ako?

Ang pinaka unang tanong na pumasok sa isipan ko, what if nga pinapahirapan lang talaga ako ni lord

What if wala talagang chance na sumaya ako, katulad ng dati - cguro nga ito na ang naka tadhana para sakin

Lumabas ako ng condo saglit para magpahangin, nang biglang may mag text sakin

Agad ko naman itong binasa^^

"Pumunta ka sa backyard, matutuwa ka sa makikita mo"

.....

Hindi na ako nag dalawang isip at pumunta sa backyard, hindi ko napigilan ang luha ko ng makita ko sila Axelle, George, Ian at Jade

Umiyak ako sa harapan nila dahil sa effort nilang paghahanda para sa aking kaarawan

Birthday ko nga pala ngayon, muntikan ko ng makalimutan dahil nga hindi naman ako nag hahanda sa birthday ko

"Surprise!!"

Sabay sabay nilang sigaw habang ako naka tingin lamang sakanila, habang tumutulo ang luha ko

Agad nila akong niyakap at binigyan nila ako ng mga regalong pinag ipunan daw nila

"Wag mo sana tawanan yang gift ko sayo riri, pinag ipunan ko yan mahal yan, ma's mahal pa yan sa buhay ko"

Patawang sabi sakin ni Axelle, sinundan naman ni George ang
pagbigay ng regalo...

__________________________________________

"Thank you sainyo huh, akala ko iniwan niyo na rin ako eh"

Pagpapasalamat ko sakanila habang pinipigilan ko ang luha ko

"Wag kana umiyak, group hug ulit tayo!!" Sambit ni Ian na may malaking ngiti sa mukha

.....

The best kayo!

Sobrang saya ko ng araw na ito halos nakalimutan ko lahat ng problema ko sa buhay, alam kong hindi ito mag tutuloy tuloy - pero sana mag tuloy tuloy nalang ito, kaso Malabo eh, baka iwan din nila ako kapag tumagal

......

Deserve ko to, Deserve kong magkaroon ng masayang buhay, hindi naman ako masamang tao para mag dusa eh

_______________________________________

Habang kumakain kami, bigla silang nagsiabutan ng letters

"Ang effort niyo" sambit ko sakanila habang naka tingin sakanila

"Salamat sa lahat ah, wag niyo akong iiwan" pagpapasalamat ko ulit dito

"Sympre ikaw alng ang prinsesa namin eh!" Masiglang tugon ni Axelle

_____________________________________

One week passed

Nagising ako na masakit ang buong katawan, namamaga ang mukha ko at may sugat sa labi

Bumaba ako tulad ng ginagawa ko palagi, at sasalubong sakin ang masasakit na salita galing kay George at Jade

Hindi pa nag tatagal, iba na ang trato nila sakin, hindi ko alam pero bigla nalang silang nagalit sakin

Wala akong alam na dahilan, at wala akong mahanap na dahilan

Bakit Jade?
Bakit George??
Bakit??
Anong ginawa kong mali?

Mga tanong na laging kumakatok sa aking isipan, minahal niyo ba ako bilang kaibigan?

Bakit niyo ako sinasaktan? Gumaganti ba kayo sakin??

________________________________________

Habang nag lilinis ako ng kwarto nila may nakita akong isang picture frame

Picture nilang apat na may kasamang isang babae??

Sino yung babae, bakit parang familiar ang babaeng ito sakin, hindi ko matandaan pero parang may pinagsamahan kami ng babaeng to

.....

Nagulat ako at nabitawan ang picture fame ng biglang pumasok si George

Laking gulat ko ng bigla niya akong sapakin "anong ginagawa mo dito sa kwarto ko??, bakit mo hawak yang picture!" Bulyaw nito sakin hindi nako naka sagot sa sobrang takot

Kaya agad akong tumakbo palabas ng kwarto nya


I Love you guys, But I need to [second option]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon