READ THIS FIRST!

51 3 0
                                    

Uy, andito ka pala! Magandang araw sa'yo Binibini, Ginoo, o kung sino ka 'man, bago lumapat ang mga daliri mo sa mga susunod na pahina ng munti kong libro, nais kong magpasalamat sa paglalaan ng oras upang bisitahin ako sa sarili kong mundo.

Tanging ang pag gawa lamang ng mga tula ang bumubuhay sa sistema ko, parang kape, kung walang kape sa umaga ay malamang nakahilata lamang ako sa apat na sulok ng kwarto, nagmumuni muni at tinatanong sa sarili kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang mga gawain ko sa eskwelahan.

Ngayon ay magpatuloy ka na, makatulong sana ang mga binuo kong pahina para maniwala kang hindi mo kailangan ng kahit sino para sabihin sayong mahalaga ka at karapat dapat.

Hart hart,
Quilly

PAHINA, LIHAM, SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon