1

40 2 0
                                    

01/08/2020

Mga araw kung saan pakiramdam ko ay pagsasakluban ako ng langit at lupa, mga panahon kung saan tanging mga unan ko ang sumalo sa walang katapusang pag agos ng luha ko.

"Kulang ka!"
"Wala ka talagang kwenta!"
"Pabigat!'

Sapat ka naman eh, hindi lang nila nakikita yung halaga, sobra sobra pa nga minsan pero may mga pagkakataon talaga na tanging mga pagkakamali mo ang nasisilayan ng mga mapanghusgang mata.

Batid kong hirap ka na, na kahit hindi mo sabihin ay hindi mo na kinakaya. Kapit lang ha? Konti na lang, makakaahon ka din sa lalim ng karagatan kung saan ka nila hinayaan, makakawala ka din sa bagsik ng kahapon na tila walang hangganan. Kapit lang, kaya mo 'yan, ikaw pa ba, kapit lang, konti na lang...

                                  Nagmamahal,
                                       Quilly





A/n:
Kumusta ka? Kinakaya pa naman diba? Kaya mo yan! Mag patuloy ka, hindi pa ito ang katapusan ng hiling mong maging masaya, I'm rooting for you, hart hart💖💖

PAHINA, LIHAM, SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon