CHAPTER ONE

10 1 0
                                    




"I'm scared to die, maawa ka pakawalan mona ako."

Sa kawalan ng pag asa at sa subrang takot ng isang kawawang studyante ay hinde na nag atubiling lumohod at nag makaawa.

"Maraming pera ang daddy ko, kahit magkano ang gusto mo kaya nyang ibigay huwag mo lang ako papatayin."


"Dare."


"Dare? Pag ulit ng studyante sa mahinang pagbigkas ng kung sino mang masamang tao ngayon na nakatayo sa harap nya.


"Dare devil."

Bagkos mahina ang pagkakasambit ng taong ito ay dinig na dinig naman nya ang katagang ito.

Kahit hinde nadin nya tanungin kung ano ang pakay nito sa kanya, nahihiwagaan na nyang papatayin sya.



"Naghihiganti kaba ngayon sa ginawa namin sayo noon, ano isusunod mo mga kaibigan ko? "


"Walang puwang sa mundo ang mga katulad nyo."




"Mamamatay tao ka kaya ikaw ang dapat ang mawala."

Buong lakas na puwersa ang ginawa ng studyante, tumayo at sinubukang iamba sa kaharap ang isang kahoy na kanina ay nakapa nya sa kanyang likoran.



Madilim sa lugar na kinaroroonan nila, walang sasakyan at walang masyadong tao ang dumaraan sa bahaging iyon.












________________







ISANG nakakatakot na balita ang kumakalat ngayon sa school.
Isa nanamang studyante ang natagpuang walang buhay sa bakanteng room sa ikalawang palapag, hinde ito pinapagamit dahil may mga ilang bahagi pa dito ang kilangan ipaayos.



Hinde naman kalakihan ang school namin kumpara sa ibang mga univercity sa maynila.
Hinde din ito masyadong kilala dahil mga karaniwan lamang ang nag aaral dito.

May mga kaya naman ang mga magulang namin pero iba parin sa private school na nag mamahalan ang tuition.




Hinde din ito ang unang pagkakataon na may maibalitang namatay sa school namin.
Ang mga biktima ay mga studyante na pawang mga babae at ang mga biktima ay lahat kilala sa school namin.



May mga ilang studyante ang takot narin at mas lalo ang mga magulang nila,
Inaaksyonan din ito ng mga police kasama ang mga teacher namin na lahat din nangangamba sa mga nangyayari at mangyayari pa.





"Buti nalang gagraduate na tayo, makakaalis na tayo sa school na'to."

Si mika ang bumasag sa katahimikan naming magkakaibigan, lahat kami di makapaniwala sa nangyari at nangangamba narin kami kahit papaano lalo at babae ang mga binibiktima nya.

"Para naman isusunod ka nya, magaganda ang mga biktima."
natatawa pang sabat ni anika na talaga namang sya ang maganda s aming tatlong magkakaibigan."Maganda kaba" bungisngis na tawa ang pinakawalan nya sa huling tanong niya kay mika.


Nakita ko ang sunod sunod na pag irap niya at mukhang naoffend sya talaga.
Mahilig magjoke si anika at hinde pa ata nasasanay ang isang ito sa kaibigan namin.


Isang taon palang naman ang friendship namin kaya hinde pa namin kabisado talaga ang bawat isa.


kung pagkokomparahin ang dalawa mas mabait si mika na sya namang taliwas sa igali ni anika.

Hinde naman mahirap pakisamahan ang dalawa kaya nga kahit papaano umabot kami ng isang taon.







Sa susunod na buwan ay luluwas na kami ng maynila ni ate. doon na sya nagtatrabaho at ako naman ay doon na mag aaral ng kolehiyo.

Natatakot ako pero mas masaya ako dahil matutupad na ang matagal ko ng pangarap na makapag aral sa malaking univercity.

Si ate na ang sumagot ng gagastusin ko ng kolehiyo samantalang sina mama at papa naman ang bahala sa allowance ko.
Nagpaalam na'ko na baka payagan nila akong mag trabaho para khit papaano ay hinde na nila iintendihin ang gastosin ko pero tumanggi si ate.

Hinde daw ganon kadali magtrabaho sa maynila. baka daw mapabayaan ko ang pag aaral ko at masayang lang ang pagod nila sa akin.
















Dumating nanga ang araw na pagluwas namin ni ate ng maynila.
Nakaimpake na ako ng mga gamit ko.

Hinde naman bunggahan ang graduation namin,kami kami nalang din sa school dahil hinde sila tumanggap ng mga bisita.
Sunod sunod kasi ang mga nangyayaring pagpatay sa mga studyante at patuloy parin ang impbistigasyon.

"Huwag mong pababayaan ang kapatid mo do'n." si mama kanina payan habilin ng habilin kay ate, para namang kay layo ng maynila sa panggasinan.

Hinde kasi puwede magbiyahe ng matagal si papa dahil narin sa katandaan na siguro at ang daling mahilo.

Di sya maiwan iwan ni mama kaya paminsan minsan si ate ang dumadalaw sami'n dito pag pinapayagan sya ng boss niya.

Reporter si ate at lumalabas sya madalas sa tv, malaki laki narin ang sahod nya kaya inako na ang pagpapaaral sa akin sa malaking unibesidad sa maynila kasabay sa mga medikasyon ni papa at mga gastosin narin nila sa bahay.

Mula ng mapromote kasi si ate sa trabaho nya pinatigil na si mama sa pagtatrabaho at pinagbantay nalang kay papa sa bahay.

Dalawa lang kami ni ate ang magkapatid kaya sya na ang nakatuka sa lahat habang nag aaral palang ako.
Pinapangako ko naman sa kanila na pag nakapag tapos ako ng kolehiyo at nakahanap ng magandang trabaho tulad ni ate ako naman ang sasagot sa lahat.




Aalis na sana kami ni ate at may sarili naman syang sasakyan pero nahinto sya sa pagpaandar ng sasakyan dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan ko.

Tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin si mika, mukhang may masamang balita base narin sa hitsura nya.

"Napa'no kaba bata ka?"
marahan pang pinalo ni mama ng makalapit narin ito sa amin.
Hinde nako bumaba ng sasakyan at hihintayn ko nalang kung ano ang chika nya.


"Bes si__?" hinihingal pa ito. " si anika nakita kanina sa malapit sa bahay nila, patay na sya."

Matagal bago ko napagtanto na nakatingin na pala silang lahat sa akin.
iyong tingin na nagtatanong kung ano ang reaksyon ko sa balita ni mika.

"Pakisabi nalang bes sa mama niya na ngayon kasi ang luwas namin ni ate sa maynila eh, hinde ako makakapunta kaya paki sabi condolence."

Nagulat pa ito sa naging sagot ko pero mabilis din naman tumango.

Nagpaalam na kami at binaybay ang daan papuntang maynila.
Maaga pa naman kaya sabi ni ate magpahinga muna daw ako habang sa byahe kami, kilangan kodaw magpahinga dahil bukas maaga daw ako dapat umalis papunta sa bago kung school.

Pipilitin daw nyang maisingit sa oras niya na puntahan ako sa school bukas para tingnan kong ayos ba sak'n ang bago kung papasokan.
Bucy daw sya kaya hinde nya ako masasamahan, na sya namang naiintindihan ko,

Si ate ang pinaka unang modelo ko pagdating sa pagsusumikap, matibay ang loob at hinde basta sumusuko sa lahat ng problima,
nasaksihan koyon ng ilang besis kaya sya ang insperasyon ko.






DARE DEVILWhere stories live. Discover now